Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
PATULOY na ibinabahagi ni Senadora Imee Marcos ang kanyang European adventure sapagkat muli na naman niyang dadalhin sa isang kakaibang rampa ang kanyang loyal Imeenatics.
Pinoy style siyempre – sa isa na namang kapana-panabik na travel vlog ngayong weekend sa kanyang official YouTube Channel.
Namili si Imee sa mga sikat na pamilihan sa Europa dala ang kanyang native bayong habang sinuyod ang pinaka-murang mga bilihin sa Brussels at London, mga vintage stores ng Paris, at mga tiyangge at flower stalls ng Amsterdam. Patutunayan ng Dakilang Ilokana na maaaring mag-enjoy sa Europa kahit na limitado lamang ang budget.
Ipakikita rin ni Imee sa episode na ito, ang versatility ng kanyang multi-functional bayong habang ipinapakita niya kung gaano ba talaga karami ang kasya sa loob nito sa kanyang ultimate tipid shopping spree.
Ngayong Sabado naman, Disyembre 17, nagbabalik si Borgy Manotoc kasama ang kanyang ina habang todo tawanan sila sa isang bonding session kasama ang isa’t isa habang ipinakikita nila ang kanilang mga nakalolokang reaksiyon sa mga reply at comments ng mga followers ng Senadora sa kanyang social media platforms.
Alamin ang mga hidden shopping gems ng Europa at makitawa kasama sina Imee at Borgy at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.
***
Rash Flores marespeto sa babae
ISA si Rash Flores sa mapapanood sa pelikulang Pamasahe na showing na ngayon sa Vivamax. Tinatampukan ni Azi Acosta, ito’y mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez Jr..
Puring-puri nila rito ni Rash ang husay ni Azi, na animo hindi baguhan ang ipinamalas na performance. “Sobrang galing ni Azi rito, hindi ko inasahan yung ganitong acting niya, kasi para siyang hindi baguhan, eh.”
Nabanggit din ng alaga n Jojo Veloso ang ginagampanang papel sa Pamasahe. “Ang role ko po rito is, ako po si chief Mercado, isang seaman. Isa po ako sa talagang magbibigay ng malaking problema kay Lineth, na ginagampanan po ni Azi.
“Ang masasabi ko po sa pelikulang Pamasahe is napakaganda niya. Sobrang daming mapupulot na aral ng manonood dito, ‘tsaka yung twist niya sa dulo is hindi ko rin talaga ine-expect.”
Ano ang nararamdaman niya kapag nakakarinig ng mga lalaking nagte-take advantage sa mga babaeng-gipit o kapit sa patalim?
“Ganyan bale yung role namin dito sa Pamasahe, so, para sa akin masakit. Kasi may nanay naman tayong lahat at ako ay may kapatid na babae. So, siyempre parang masasabi mo sa sarili mo, ‘Paano kung mangyari ito sa mga kapatid ko’, hindi ba?
“Kaya ngayong artista na ako, hindi po ako ang tipo na magte-take advantage sa babae, never ko pong inalis yung respeto ko sa babae,” sambit pa ni Rash.