Advertisers

Advertisers

Joseph Marco bagong celebrity endorser ng Hanford

0 1,834

Advertisers

IPINAKILALA na bilang bagong celebrity endorser ng Hanford, ang nangunguna at pinagkakatiwalaang undergarment brand, ang Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco.
Idinaos ang contract signing-presscon last Dec. 15, 2022 sa Hanford Head Office sa QC, sa pangunguna nina Mansfield International, Inc. executives Victor Te, President, Sincerely Te, Vice President, Sheena Anne Te, Executive Vice President, at Ma. Theresa S. Benedicto, Sales and Marketing Manager.
Dahil sa kanyang good looks na kumakatawan sa mga katangian ng isang Hanford man na malakas, physically fit at mabait na tao ilan lang iyan sa mga nagustuhan ng Hanford kay Joseph.
Passionate at hardworking sa trabaho, complete package dahil isang award-winning actor si Joseph kaya naman tunay na may ‘K’ itong maging endorser ng Hanford.
“He is a talented singer-dancer and a fashionable, energetic commercial model. The TV hunk also exudes confidence as he is comfortable in his own skin,” sey ng Hanford execs.
At dahil sa maganda at matipunong pangangatawan ni Joseph, ipo-promote ng aktor ang Hanford premium collection na ginagamit ang mga makabagong top-of-the-line technology at magagandang materyales na akma para sa mga koleksyon nitong briefs, boxer briefs, boxer shorts, shirts at sandos.
Masaya naman si Joseph na pinagkatiwalaan siya ng Hanford bilang bagong endorser nito at gagawin anya niya ang lahat para makatulong sa mas lalo pang pag-unlad ng mga produkto nito.
(Blessie K. Cirera)