Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
AYON kay Nadine Lustre, sa puntong ito ng kanyang buhay, wala pa sa plano niya ang magkaroon ng anak, na maging isa nang mommy.
“I’m securing myself na. With the things I’m investing in now, and the things that I’m doing, I ask myself, ‘Is this going to sustain me for the rest of my life?’ Nandoon na siya,” pahayag ni Nadine sa panayam ng Mega Entertainment.
Ayon pa sa aktres, sa pagsapit niya ng edad 30 next year ay nananatili pa rin ang kanyang prayoridad sa buhay, ito ay ang kanyang career at pamilya, at hindi pa nga kasama rito ang pagkakaroon ng anak.
“I don’t want kids yet. I don’t even know if I want kids. Let’s see. If it happens, it happens..
“Ngayon kasi, nandoon na headspace ko, if I have kids, paano ko sila bubuhayin? Adulting na talaga.”
Kasunod nito, sinabi rin ni Nadine na baka mag-ampon na lang muna siya at bukas naman siya sa pagiging nanay pagdating ng tamang panahon.
“Just because, there are so many people na on Earth, and I do believe that there are lots of kids who don’t have parents and who need taking care of.
“So I feel like if I do wanna have kids, I might just adopt. Sustainability!” ayon kay Nadine.
Super happy ngayon ang dalaga sa piling ng kanyang Filipino-French businessman boyfriend na si Christopher Bariou na naka-base ngayon sa Siargao.
***
JOEY MAS BET ANG BOX-OFFICE KAYSA AWARD
SA pakikipag-usap namin kay Joey de Leon sa media conference ng pelikula nila ni Toni Gonzaga na kasali sa Metro Manila Film Festival na My Teacher, sinabi niya na hindi niya inisip o inasam na mananalong Best Actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na gaganapin sa New Frontier Theater sa Disyembre 27.
Ang gusto lang niya ay mapanood ng maraming tao ang kanilang pelikula.
“Hindi ko na inaasahan ‘yun, ang importante mapanood ng tao ‘yung pelikula namin ni Toni Ano na lang bonus na lang kapag nanalo,” sabi ni Joey.
Patuloy niya,“Well, maraming magaling, eh. Kita mo nga kumpleto halos (walong pelikula) talagang revenge (sa pagbabalik ng pelikula). Ngayon masigasig na.”
Kaya lang, may napuna si Joey nang dumaan sa kahabaan ng Quezon Avenue patungo ng Winford Manila Resort and Casino kung saan ginanap ang grand mediacon ng My Teacher.
Aniya, kulang ang posters na nakasabit sa mga lansangan for promotion. Wala ang kanilang pelikula, maging ang pelikula nina Coco at Vice Ganda.
Kaya nanawagan si Joey sa mga taga-Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
“May mga poster sa gitna, nakalagay, ‘Balik Saya,’ di ba?
“Pera ‘yung tatlong pelikula ‘yung kay Coco (Martin, Labyu with an Accent), kay Vice Ganda (Partners in Crime) at saka yung sa amin, hindi ko nakita.
“Yung nandu’n sa anak ko, kay Ian Veneracion (sa Joey and Son), ‘yung ‘Nanahimik ang Gabi, ‘yung Deleter, yung si Family Matters, ‘yung My Father, Myself.
“Paulit-ulit sila (nakakabit ang posters). Siguro tig-tatlo, tig-apat ‘yung nakita ko. Pero wala ‘yung tatlong pelikula. Ako ho ay nagsusumbong. Bakit, Direk, bakit wala tayo? E, baka hindi pa nakabit,” aniya pa.