Advertisers

Advertisers

Pagboto ni Basilan Rep. Hataman ng “No” sa House Bill 6608 pinaliwanag

0 192

Advertisers

Ipinaliwanag ni Basilan Representative Mujiv Hataman kung bakit “No” ang kanyang naging boto sa House Bill No. 6608 o ang Maharlika Investment Fund bill na majority ng mga Mambabatas ay bumoto ng Yes sa naturang panukala.

Ayon kay Rep. Hataman, tila minadali ng kanyang mga kasamahan sa kongreso ang pagpasa ng house bill 6608 at malaking katanungan para sa kanya ang agarang pagkakaroon ng botohon kung kaya’t No ang naging boto nito.

Paliwanag ng Mambabatas na nito lamang Nobyembre 28 nang ma-file ang bill, naisama sa Order of Business at agad na na-refer sa Committee on Banks and Financial Intermediaries, all on the same day.



Idinagdag sa paliwanag ni Hataman na kinabukasan, Nobyember 29, nag-schedule agad ng hearing sa committee sa panukala at inaprubahan ang bill subject to the amendments ng isang Technical Working Group (TWG) na itinayo para ayusin ang mga probisyon.

Binigyang diin ni Hataman na sa pangalawang araw ng pagdinig ng Committee on Banks nitong Disyembre 1, na-approve na ang substitute bill ng Maharlika Fund measure.

Disyembre 5 naman nang aprubahan ito ng Committee on Ways and Means, at Disyembre 9 nang ipasa ito ng Committee on Appropriations. Nang dumating ang araw ng Disyembre 12, dininig na ito sa plenary. At dahil may certification as urgent na ito galing sa Palasyo, inaprubahan na ito sa Kamara kahapon, Disyembre 15.

“All in all, from filing to final approval, it only took members of the House of Representatives 18 calendar days to give final approval to the Maharlika Investment Fund bill. Sa ganang akin, hindi ito sapat na panahon para pagtibayin ang panukala lalo na kung maraming tao at sektor ang nagpahayag ng pagtutol sa maraming probisyon nito” ani ng Mambabatas.

Paliwanag pa ng Mambabatas na pangalawa, mismong mga opisyal ng administrasyong ito ay nagpahayag ng pangamba sa panukala. Si BSP Gov. Felipe Medalla, noong una, ay nagsalita na baka matulad ang Maharlika Investment Fund sa nangyari sa sovereign wealth fund ng Malaysia na nasangkot sa isa sa pinakamalaking iskandalo ng katiwalian sa buong mundo.



Pati na rin si Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan ay nangamba sa pag-invest ng pondo ng Landbank at DBP sa Maharlika Investment Fund. Hindi daw ito magandang idea, or kung gagawin daw ito, dapat ay hindi ma-overexpose ang pondo ng dalawang bangko.

Marami ring tanong sa isipan ng mga mamamayan ang hindi pa nasasagot ng maayos ng mga proponents ng panukalang ito: Una, kailangan nga ba talaga natin ng isang Maharlika Investment Fund gayong kumikita naman ang mga indibidwal na ahensiyang bubuo sa pondong ito? Ano ang magagawa ng Maharlika Investment Fund na hindi kayang gawin individually ng mga government financial institutions na ito at ng BSP, which have also been investing their funds using their own strategies? Malaking katanungan ni Hataman

“Bakit natin iri-risk ang viability ng mga financial institutions sa mga investments na kahit na malaki ang returns ay malaki din naman ang risk? May feasibility study ba tayong pinanghahawakan to back the establishment of a Maharlika Investment Fund” ayon pa sa Mambabatas.

Bukod pa ito sa tanong kung sino ang mga bubuo ng korporasyon na magma-manage ng Maharlika Investment Fund. In these kinds of investments, we need people with impeccable integrity and proven competence. Trust will be an important issue here.

In short, we need more time to discuss the measure to answer all questions satisfactorily. Padaanin sana natin ito sa butas ng karayom. Hindi naman biro ang halagang ilalagay sa pondong ito. It is my belief that the House of Representatives could have afforded more time to answer queries to the bill.

“We should have invited and given voice to experts – economists, bankers and financial analysts – to ask their own questions and to give a balanced analysis and impartial observations on the measure. Dahil pati ang ating mga ekonomista ay maraming agam-agam sa panukalang ito. Huwag sana natin itong madaliin at malaking pondo ang nakataya dito”. Pagtatapos na paliwanag ni Rep. Hataman. (Cesar Barquilla)