Advertisers

Advertisers

NAKIKITANG PAG-ASA

0 159

Advertisers

DI masasayang ang tinamong tagumpay ng apat na taon na pakikipaglaban ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga komunistang-terorista. Ang pagtitiyaga nito na maibaling ng ating mga kababayan sa mga kanayunan, ang kanilang damdamin para sa bayan at pamahalaan, imbes sa maling mga aral ng CPP-NPA-NDF ay magpapatuloy pa.

Ito ay matapos na magbago ng isip ang ating mga mambabatas sa Kongreso na bigyan pang muli ng mas malaking pondo ang NTF-ELCAC para sa susunod na taong 2023.

Sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez at Presidential Son,Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, inihain muli ang sampung bilyong piso (P10B) pondo ng Task Force.



Nakikita kasi nila Speaker Romualdez at Deputy Majority Leader na ang batang Marcos, ang kahalagahan ng papel ng NTF-ELCAC sa pagtapos ng limang-dekada ng problema ng insureksiyong dulot ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Ang nasimulan ng NTF-ELCAC sa loob ng apat na taon Mula ng itatag ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong December 4, 2018, ay di dapat na isangtabi na lamang. Kailangan ituloy nito ang epektibong pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan na pinipeste ng mga CPP-NPA-NDF.

Naniniwala sina Romualdez at Marcos na kung talagang nais natin lumaya sa panggugulo ng mga komunistang-terorista, ay hayaan natin ang Task Force na ituloy at tapusin nito ang mandato at misyong tuldukan na ang paghahari-harian ng mga komunistang-terorista.

Nailapit muli ng NTF-ELCAC ang pagmamalasakit ng pamahalaan sa ating mga kababayan sa mga kanayunan. Kaya nararapat lang na maipag-patuloy ng Task Force ang tungkulin nito.

Sinisiguro ng dalawa nating magigiting ng mambabatas na maging sa Senado ay walang balakit na haharapin ang panukalang pondo para sa NTF-ELCAC.



Marami naman talaga sa ating mga kababayan sa mga kanayunan ang nabiyayaan ng diskarte ng Task Force sa pamamaraang Barangay Development Program (BDP), na nagbibigay ng P20 milyon sa mga barangay, para itustos sa mga kalsada, paaralan, kalusugan at kabuhayan.

Bukod sa napaalis ng Task Force ang mga CPP-NPA-NDF sa mga pinamumugarang mga lugar nito sa mga kanayunan, ay nabigyan pa ang ating mga kababayan roon ng katahimikan at kaunlaran.

Tataya ako sa sinomang makikipag-pustahan, na kung maipagpatuloy ng NTF-ELCAC ang misyon nito, ibayong kaginhawaan ang maibibigay nito sa mg lugar na dating pinamumugaran at pinipeste ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. At kung di mangyari ito, maituturing nang talo nga ako sa aking pagtaya.