Advertisers

Advertisers

QC Jail, malinis sa ilegal na droga

0 222

Advertisers

Kahanga-hanga ang pamunuan ng Quezon Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD). Bakit naman?Akalain niyo, ang target ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) sa direktiba ni BJMP Chief, Gen Allan Iral, na panatilihin drug-free ang piitan ay napanatili ng QCJMD. Aba…aba…ayos iyan ha.

HIndi lang base sa kautusan ni Iral ang pinagbasehan ng QCJMD sa kampanya laban sa ilegal na droga at sa halip ay base rin sa kautusan ni QC Mayor Joy Belmonte na panatilihin ang magandang imahe ng piitan.

Sino ba ang warden ng QCJMD kasi? E sino pa nga ba, si JSupt. Michelle Bonto na simula’t maupo sa posisyon ang hangad ay malinis na piitan para sa kapakanan ng inmates.



Katunayan, simula nang paigtingin ni Bonto ang gera laban sa droga sa piitan dahilan para madiskubre ang taguan ng droga ng sindikato sa loob, tinangka pang pabagsakin ang lady warden pero hindi sila nagwagi.

Nang matuklasan ni Bonto ang taguan ng droga (ibinaon sa sementong sahid ng ilan sa selda), napilayan na ang sindikato at simula noong ay hindi na sila nakakapagpapasok ng droga.

Heto nga, nitong Disyembre 12, muling napatunayan na drug-free ang piitan nang magsagawa ng greyhound operation sa piitan ang pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at QCJMD. Katulong din sa operasyon ang K9 Narcotics Detection Dogs.

Ang operating team.ay binubuo ng 6 miyembro ng QCPD EOD/K9 DECU, 15 police personnel ng QCPD PS 10 Kamuning at 21 jail personnel ng QCJMD na siyang naghalugad sa mga selda at kagamitan ng mga 1,132 persons deprived of liberty (PDL).

Nakumpiska sa operasyon ang 5 improvised bladed weapons, 68 concrete nails, 1 cutter, 2 scissors, 2 pliers, mga baraha, 175 various nuisance contrabands tulad ng wooden sticks, broken water pipes, electric fan parts, discarded wires at ballpens.



Ang pinaka-good news dito ay walang nakumpiskang llegal drugs. Ibig sabihin talagang walang nakakapasok nang droga sa piitan. Ganyan, kasinseridad si Bonto sa kampanya niya laban sa droga katuwan ang kanya personnel bilang suporta din sa multi-sectoral anti-Illegal drugs campaign ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos – na tinagurian “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o National BIDA Program.

“The program aims to eradicate illegal drugs and the use of positive approaches in the rehabilitation of victims of substance use, the newly designated BJMP-NCR Regional Director JCSUPT EFREN A NEMEÑO, DPA, TLPE, is stepping up the campaign against illegal drugs in NCR jails in all fronts – conduct of surprise inspection and drug test of personnel, monthly joint greyhound operation and of strengthening the welfare and development programs for the PDL, pahayag ni Bonto.

Samantala sa kalatas na jnilabas, sinabi ni Nemeño…”I am expecting the BJMP personnel to exemplify professionalism and discipline in the performance of their sworn duty and ensure that no one from among the ranks are involved with illegal drugs otherwise, face the consequences of being administratively charged or worst, being jailed.“

“I am also requiring all NCR Jail Wardens to conduct monthly joint greyhound operation with other Law Enforcement Agencies (LEAs) in order to rid jails of illegal drugs and contrabands. I am also expecting that the jail wardens will take a proactive role in strengthening their partnership with LGUs, Religious Service Providers, NGOs and International NGOs as change partners of the BJMP in providing support to rehabilitation, livelihood training programs and aftercare services to the Persons Deprived of Liberty (PDL).” pahayag pa ni Nemeño.

Muli, napatunayan na bigo ang sindikato ng ilegal na droga na makapagpapasok ng kontrabando nila sa QCJMD. Sindikato na pinoprotektahan ng ilan na nais pabagsakin si Bonto.