Advertisers

Advertisers

₱10M shabu nasamsam sa Quezon

0 192

Advertisers

Halos ₱10 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa sunud-sunod na operasyon sa Quezon.

Sa unang anti-drug operation sa Purok Daus, Barangay Poblacion 61, Real nitong Disyembre 13 dakong 11:57 ng gabi, inaresto ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Quezon, Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC), Provincial Intelligence Unit (PUI)-Quezon, Philippine Drug Enforcement Agency in Quezon (PDEA-4A), at Real Municipal Police Station Drug Enforcement Unit, ang suspek na si Jomer Lucera Nera, alyas “Palits.”

Kumpiskado sa suspek ang P1,222,980 halaga ng shabu, cocaine na nagkakahalaga ng P950,502.00 at marked money.



Dinakip naman ng mga tauhan ng PDEU Quezon Police Provincial Office (QPPO), PDEA 4A-Quezon at Lucena City Police Station, Intel/Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isa pang suspek na si Jasmin Dagohoy Abueg, 40, alyas Ma’am Tess” sa Purok Villa Sante, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City 9:40 ng umaga.

Nasamsam sa kanya ang P7,775,100 halaga ng cocaine, buy-bust money at isang sling bag.

Nahaharap na na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang suspek na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.