Advertisers

Advertisers

Bawas-buwis: Kompanya nameke ng resibo

0 244

Advertisers

BISTADO ang modus ng isang kumpanya na namemeke ng mga resibo para bumaba ang babayarang buwis ng kanilang mga kliyente, habang bilyon bilyon piso ang nawawala sa gobyerno dahil sa iligal na operasyon.

Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang opisina ng Brenterprise International Inc. sa isang residential condominium unit sa Eastwood, Quezon City.

Natuklasan ng mga awtoridad sa opisina ang mga computer at sangkatutak na resibong pineke umano para mabawasan ang babayarang tax ng kanilang mga kliyente.




“Kumikita sila ng 0.8% nu’ng amount na pinagawa roon sa resibo. Ginagamit ito upang mabawasan ang pagbayad ng tax nu’ng mga kliyente,” ayon kay Atty. Rehom Pimentel, Agent III ng NBI-AOTCD).

Sinabi pa sa ulat na nakadestino sa bawat area sa Metro Manila at mga probinsya ang kanilang mga courier kapag gawa na ang pekeng resibo.

Tinatayang aabot sa mahigit 1,000 kumpanya ang kliyente ng Brenterprise International sa buong bansa.

Nabatid sa imbestigasyon ng mga awtoridad na 15 taon nang nasa operasyon ang kumpanya, kaya bilyon-bilyong piso na ang maaring lugi ng pamahalaan dahil sa operasyon, bagay na hahabulin naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kinumpiska ang mga computer at cellphone ng mga inabutang empleyado para makuha ang lahat ng mga data tungkol sa kanilang mga operasyon. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">