Advertisers

Advertisers

MALAKING HAMON MULA SA MGA PINTAS AT PUNA

0 173

Advertisers

ISANG malaking hamon para kay Transportation Secretary Jaime Bautista ang napabalitang ang ating Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay pangatlo sa mga “most stressful” airports sa Asia.

Laglag agad kung baga’ ang image ng ating bansa kapag ang pintas ay tama agad sa airport ng isang bansa, parang nilalahat na ng pintas ang buong Pilipinas. Dahil ang mga paliparan ang nagsisilbing pintuan ng bawat bansa.

Di rin basta-basta ang pintas ha, galing ito sa Travel blog Hawaiian Islands na nagsagawa ng pagaanalisa kung saan 1,500 Google reviews ang ginawa sa 500 airports sa buong mundo. Lumalabas na 58 percent ng mga pasahero na naglalabas-pasok sa NAIA ay dumaranas ng ‘stress’.



Masaklap sa isa pang pintas na galing naman sa worldwide luggage storage app na Bounce ang tawag, binansagan pa ang NAIA na “worst business class airport in the world.”

Sabi ng Bounce, ang NAIA raw ang may pinaka-mababang score hinggil “number of destinations”, ‘on-time performance’, at ratings mula sa air transport rating organization na Skytrax.

Agad naman tumalima si Bautista dahil alam niyang tatamaan din ng mga pintas na ito, ang mahal nating Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM). Eh, noon pa namang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM, inatasan nito ang Department of Tourism at Public Works na gawing maginhawa para sa mga biyahero ang mga pasilidad at proseso sa ating mga airport, para lalong maka-engganyo ng maraming turista.

Ang ginawa ni Bautista, agad na binawasan ang mga ‘security checks’ mapa-luggage man o pasahero. Ang dagsaan ng bilang ng mga pasehero ay agad din inasikaso ng ‘mama.’

Kamakailan lamang ay inanunsiyo ni Bautista ang terminal reassignments para sa Philippine Airlines at AirAsia, upang ang mga “flights” o pag-lipad ng mga eroplano ay mapaghiwa-hiwalay ang mga pasahero nito para umayos ang daloy ng tao sa ating airport.



Sa Terminal 4, naman na may 500 seats capacity lamang, pag-nadelay ang isa o dalawang flight, pihadong kumpulan na ang tao. Kaya minabuti ni Bautista na Ang malaking espasyo ng Terminal 1 ay pede ring gamitin ng mga pasahero ng Terminal 2 na umaapaw na rin sa mga pasahero.

Dumiskarte rin si Bautista na gumawa pa ng pilot test para mabawasan pa ang mga security checks lalo na para sa mga flights papuntang United States. Sabi ng ‘mama’ maari pang magtanggal ng isang security check Mula sa apat na ganitong Sistema na dinadaan ng bawat pasahero.

Di naman, pakaang-kaang itong si Bautista, kaya nga siya ang napili ni PBBM na pangunahan ang DoTR, dahil may kakayahan itong gumawa ng mga diskarte para harapin ang mga nagsusulputang problema.