Advertisers

Advertisers

One-on-One kay Hadley Mariano ng Sharks Billiards League

0 205

Advertisers

ANG larangan ng billiards o pool ay bahagi na ng buhay ng gaming Pinoys. Naghandog na ang larangang ito ng maraming karangalan para sa Pilipinas.

Ang ‘game of precision’ na ito ay goldmine ng Pilipinas sa international competitions.

Umabot pa nga tayo sa ulutang ‘Philippines vs the World’.Noon iyon,hindi na ngayon . Si Hadley na anak ng pinagpipipitagang pool patron sa bansa na si Perry Mariano ay may mapusok na hakbang upang pasiglahing muli ang naghihingalong larangan dahil sa krisis at pulitika sa sports.



Nagkaroon ng pagkakataong makadaupang- kamao ng korner na ito ang dating billiards varsity player ng La Salle Greenhills nang magpaunlak siya ng panayam na one- on-one kahit napaka-hectic ng kanyang iskedyul.

Ilang sandali pa bago ang takdang interview ay dumating ako sa kanyang paboritong hang-up in between breaks sa kanilang Hardtimes Sports Bar sa Kyusi.

Rumerepeke ang tunog ng mga nasasargong billiard balls habang inaantay ako sa kanyang magara at malamig na billiards practice room na papangaraping magkaroon ng ganoon ng lahat ng bilyarista.

“Oh Kuya’( tawag niya sa akin), nauna na ko sa iyo at ready na sa interview “ salubong na fistbump ng nakaguwantes na si Hadley matapos isalansan ang 9-balls sa velvet table.”

State of the art talaga ang practice room mo kaya pala araw- araw walang mintis ang ensayo” bungad-papuri ko sa batang Mariano. Inabot niya sa akin ang isang magarang tako na di mo mabibili sa Raon o saan mang sports shop sa Kamaynilaan.Hawak ko pa lang ay feeling champ din ako. Sinenyasan niya akong sumargo at ang sabi niya..GAME NA!



Sa isip ko ay baka kaya niya ako pinasargo ay una’t huling tumbok ko iyon.Posible naman iyon kay Hadley.Inalis ko ang aking face mask at sumipat pero tinanong ko na siya para sa unang salvo ng panayam.

“ Hadz,dapat na bang isalba ang estado ng billiards dito sa atin na nasa bingit na ng kawalan ng hininga?”,isang malakas na sargo ang aking pinawalan .Kalat ang siyam na bola pero walang nasulingang butas.

“Dapat lang kuya na bumalik na ang sigla ng billiards dahil naungusan na tayo ng mga ibang lahi na tinatalo lang natin noon,” sagot ni Hadley habang tinitisaan ang dulo ng kanyang mamahaling tako na mukhang uubusin ang bolang kalat ( maliban sa dalawa)sa kanyang sipat.

Dikit ang dilaw na UNO at asul na DOS , one-ball sa pocket kaya magkasunod ang pasok at ganda ng preparasyon naman sa pulang TRES.Balewala at di istorbo sa asinta lalo’ t ala nang face mask.“ Sobra na ang naiambag na karangalan ng ating magagaling at alamat na bilyarista kaya sa ayaw at gusto natin ay kailangan na ng mga bagong sibol na need nang madiskubre kaya namin itinatag ang Sharks Billiards League para me umusbong na mga bagong stars sa billiards sa near future,” sambit ni Hadley habang sinusuri ang latag ng bola kung saan ay may problema (sa tingin ko)dahil nakadikit sa banda ang dilaw na istrayp NUEVE halos kiss ball sa ubeng CUATRO na higit isang piye sa corner pocket na tsansa kong makatira pag nagkataon.

Pininahan ng sobrang nipis ang red ball pasok sa side pocket at bumanda ang pamato pektos patungo sa striped yellow 9 upang pingkiin ito at mawala sa dikit habang lumugar naman ang motherball sa purple ball para sa easy pocket. “ Marami na tayong mga batang bilyarista na magagaling at potensyal na makapagbibigay ng karangalan sa bansa.Kailangan lang silang tuklasin sa maayos na programa ng mga lider ng ating NSA sa billiards at nariyan naman ang kalinga ng pamahalaan sa mga natatanging atleta ng bayan,” diin niya sa sunod kong tanong sabay sipat ang kahel na CINCO dahil nakaharang sa pocket ang itim na OTSO kahilera ang tsokolateng SIYETE at nasa bukana ng side pocket ang berdeng SAIS.

Tinumbok ni Hadley ang orange ball diretso sa banda doblete patungong winning ball -9 pasok sa right corner pocket. Tapos ang boksing este bilyar habang ako ay mangha pa rin sa mahirap na tumbok na iyon na peanut lang sa batang Mariano.

“ Kailangan mamayagpag muli tayo sa billiards scene sa mundo.Iyong kinatatakutan tayo ng mga puti at singkit pagdating sa pool table.We must regain our glory days in billiards in the international competitions”, ani pa Hadley sabay ang elbow to elbow gesture matapos ang kanyang mala- varsity pool show.

Sa aking sapantaha sa kanyang tinuran ay kailangan ng tunay na pagbabago sa sistema at liderato ng NSA sa billiards at snooker. Iyong mga lider na may dedikayon para sa bansa.Walang pamumulitika, bata-bata system at may respeto sa kanilang mga atleta lalo na iyong mga nakapagbigay na ng karangalang dapat ay bayani ang turing at hindi iyong itatapon na lang at sinasabihang laos na ang mga kampeon .Kaya nga nariyan ang SHARKS na mesiya ng Ph billiards..di ba bos Perry? SARGO!