Advertisers
Patay ang 3 anyos na lalaki nang ma-hit-and-run ng isang truck sa bayan ng Motiong, Samar, gabi ng Sabado.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, galing sa pangangaroling ang biktima kasama ang dalawang kapatid at naghahabulan sa kalsada nang bigla itong nahagip ng truck.
Nadala pa ng mga rescuer sa rural health unit ang biktima pero idineklara ring patay ng doktor.
Nahuli sa police checkpoint sa bayan ng San Jorge ang 32 anyos na truck driver na dawit sa insidente.
Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver.