Advertisers

Advertisers

Shabu inipit sa ‘keps’, nasilip parin

0 208

Advertisers

ARESTADO ang isang ginang nang mahulihan ng shabu sa buy-bust operation kungsaan nakuha ang droga na nakaipit sa kanyang ari sa Tandang Sora Avenue, Barangay Sangandaan, Quezon City nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ni Lt. Colonel Mark Janis Ballesteros, hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, ang dinakip na si Ronalyn Caballero alyas “Onang”, 29 anyos, residente ng Brgy. Sangandaan.

Ayon kay Corporal Neil Christian Cyrus Fresco, imbestigador ng kaso, nadakip si Caballero sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue, Brgy. Sangandaan 1:10 ng umaga matapos mabilhan ng shabu ng pulis na nagpanggap na buyer.



Nakuha rin ng awtoridad ang isa pang gramo ng shabu kay Caballero na nakaipit sa kanyang ari.

Nakapiit ngayon si Caballero sa naturang himpilan ng pulisya. (Boy Celario)