Advertisers
Ito palang sina Boy Life at Susan Tisay ang dalawa sa pangunahing gambling lords ng bayan ng Montalban diyan sa lalawigan ng Rizal.
Kay Susan Tisay ang pa- jueteng samantalang kay Boy Life naman ang color games at drop ball sa mga pergalang nagkalat sa nasabing bayan na pinamumunuan ni Mayor Ronnie Evangelista.
Isang umanong kupal na Kapitan ng Barangay at kapatid MISMO ni Mayor Evangelista ang tumatayong protektor nitong sina Boy Life at Susan Tisay.
Ang isang matindi pa dito,inutil at walang silbi ang buong puwersa ng Montalban (Rodriguez) PNP na pinamumunuan ni Police Colonel Marcelino Pipo dahil nga sa bahag ang buntot nito sa kapatid ni Mayor Evangelista.
Bukod pa dito ang direkta ring koneksyon nina Susan Tisay at Boy Life sa mga opisyales ng Rizal Provincial Police Office na umano’y kumukulekta ng lingguhang payola sa operasyon ng JUETENG ni Susan Tisay at sa mga sugal-lupa ng kupal na si BOY Life.
Kung ganireng wala na palang malapitan at mapagsumbungang mga awtoridad ang mga kaawa-awang kababayan natin dyan sa Montalban,saan na kaya sila puwedeng lumapit at dumaing ng kanilang problema?
Inutil din kasi ang DILG at ang Kampo Crame sa isyu ng iligal gambling.
Kapwa kasi may umiikot ding kolektor ng payola ang Camp Crame at ang tanggapan ni Sec.Benhur Abalos ng DILG.
Yan ang ipinagsisigawan nitong sina Susan Tisay at Boy Life.
Milyong piso na umano ang “intelihensiyang”naipamudmud ng dalawang HINDOT na gambling lords na ito sa mga opisina ng kapulisan at DILG.
Ganoon din daw sa lukbutan ng kapatid ni Mayor Evangelista at sa punyetang Barangay Kupitan.
Nasa Barangay San Jose ang sentro ng mga sugalang ito nina Susan Tisay at Boy Life na parang may prangkisang nakuha mula sa munisipyo ng Montalban para exclusive na makapaglatag ng emperyo ng sugalan sa nasabing bayan.
Paging Mayor Evangelista, baka naman po puwedeng suhetuhin ninyong ang mismong ulol na kapatid mo at ang nasabing sutil na Kapitan na magkasanngga sa pagiging protektor ng mga sugalang sa inyong bayan.
Yan naman po Mayor Evangelista ay kung hindi nyo talaga kinukunsinti ang mga ‘yan.
We are giving you Mayor Evangelista the benefit of the doubt dahil alam naman namin na mas matimbang ang tiwalang ipinagkaloob sa inyo ng mga mamamayan ng Montalban (Rodriguez) kesa sa sarili mong DUGO na protektor ng katarantaduhan sa inyong lugar.
Political will lang po mayor at prinsipyo sa katawan ang dapat n’yong pairalin.
Yan po ay kung mayroon pa ngang natitirang hiya at moralidad sa inyong LIDERATO dyan sa bayan ng Montalban.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com