Advertisers

Advertisers

Sundalo patay sa tandem

0 113

Advertisers

NASAWI ang isang sundalo nang barilin sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang misis sa gilid ng kalsada sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si SSgt. Rodolfo Magno Jr., nakatalaga sa Service Support Company ng Philippine Marines na nakabase sa Zamboanga City.

Ayon kay Maj. John Vincent Bravo, hepe ng Catabato City Police Station 1, 6:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Moreno Drive, Brgy Rosary Heights 2.



Nasa loob ng sasakayan ang biktima kasama ang mga anak na nakaparada sa gilid ng daan at hinihintay ang misis nito na namimili ng gulay nang dikitan ng riding in tandem at pinagbabaril.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang sundalo dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan. Mabilis na nakatakas ang mga sakarin.

Ligtas naman ang anak ng biktima na nakaupo sa likuran ng sasakayan.

Galing ang mag-anak sa Misa de Gallo at pauwi na nang maganap ang pamamaril.

Narekober ng mga otoridad ang 4 basyo ng bala ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng krimen.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">