Advertisers

Advertisers

‘SUPER SIPSIP’

0 166

Advertisers

HANGGANG ngayon hindi kami naniwala sa isang nakapanindig balahibo na tagpo sa Senado. Bago ipasa ng Senado ang mahigit sa P5.2 trilyon na pambansang budget at ideklara ang holiday break, tumayo si Francis Tolentino sa bulwagan upang ipaglaban ang isang resolusyon na kumokondena sa China sa paglabag sa integridad ng teritoryo ng Filipinas.

Hindi napigil ni si Tolentino na ihayag ang galit sa pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea, ang bahagi ng South China Sea na itinuturing ng international law na bahagi ng exclusive ecohnomic zone (EEZ) ng Filipinas. Iginiit ni Tolentino ang pagpasa ng resolution kontra-China sapagkat isa umano ito sa sandata ni BBM sa sandaling humarap ang huli kay Xi Jinping sa ika-3 ng Enero sa Peking.

Pupunta si BBM sa state visit upang “palakasin” ang ugyanan ng China at Filipinas. Darating si BBM sa gitna ng malupit na lockdown na ipinatutupad ng Peking kaugnay sa lumalang pandemya sanhi ng Covid-19 doon.



Wala kaming angal sa resolusyon na inilatag ni Tolentino sa isang privilege speech sa Senado. Matagal na kasing dapat inilatag iyan. Ang nakakapagtaka ay ngayon lang naglabas ang isang opisyal na pahayag ang Senado. Palaging nagpapadala ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Peking kaugnay sa kanilang paglabag sa EEZ ng Filipinas.

Inirereklamo ng DFA hindi ang kawalang galang ng China sa EEZ at teritoryo ng Filipinas kundi pati ang kanilang kawalanghiyaan at harapang pagnanakaw sa mga isda at yamang dagat ng Filipinas. Kinikilala ng maraming bansa ang EEZ ng Filipinas. Marapat makinabang ang bansa sa kanyang “maritime entitlement” sa ilalim ng international law.

Wala kaming reklamo sa resolusyon. Gusto namin ito kahit na hindi kapani-paniwala kahit sa hinagap na si Tolentino ang nakipaglaban doon. Hindi dapat si Tolentino ang mensahero. Hindi bagay sa kanya ang ganyang papel. Ipaliwanag namin kung bakit.

Taong 2019 ng nahalal na senador si Francis Tolentino. Sa unang privilege speech, hiningi ni Francis Tolentino sa Senado ang ratipikasyon ng verbal agreement ni Rodrigo Duterte at Xi noong taon na iyon. Marapat na pagtiwalaan si Duterte dahil bilang pangulo, siya umano ang pangunahing arkitekto ng patakarang panlabas (foreign policy) ng bansa, aniya. Maipakita ng Senado ang respeto at tiwala kay Duterte kung ratipikahin ng mga senador ang kasunduan umano ni Duterte at Xi na nagkita isang linggo bago tumayo si Tolentino sa bulwagan ng Senado.

Tumayo si Sen. Franklin Drilon na Senate Minority Leader noong panahon na iyon. Buong galang na tinanong si Francisco kung ano ang detalye ng verbal agreement ni Duterte at Xi. Walang nasabi o naipakita si Tolentino na detalye o kasulatan ng kasunduan. Walang detalye, walang kasulatan, walang anuman, at hindi malinaw kung anong ang kasunduan.



Sapagkat walang detalye, hindi niratipika ng Senado ang hinihingi ni Tolentino. Namatay ito ng ganoong na lang. Hindi na ito muling pinag-usapan. Sapagkat napahiya, hindi na tumayo ulit si Tolentino upang igiit ang walang kakuwenta-kuwentang panukala. Pinagtawanan si Tolentino sa mintis na pagtatangka. Kung baga rebentador, supot at hindi pumutok.

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea bilang bahagi ng kanilang teritoryo. Naayon ang kanilang pag-angkin sa mga kasulatan at “historical presence.” Inihabla noong 2013 ng Filipinas sa ilalim ng gobyerno ni Benigno Aquino III ang China sa walang batayan na pag-aangkin. Dinala ang sakdal sa lima-katao ng Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Law of the Seas (UNCLOS).

Sa hatol ng ibinaba noong 2016 ng arbitral commission, ibinasura ang pag-aangkin ng China sa halos kabuan ng South China. Walang batayan sa kasaysayan at anuman na China ang may-ari ng South China Sea. Nanalo ang Filipinas. Dahil hindi pag-aari ng China ang South China Sea, walang batayan sa batas o anuman ang pagpasok ng mga sasakyan pandagat ng China sa EEZ ng Filipinas at magnakaw ng isda at yaman dagat doon.

Hindi China ang may-ari ng yamang dagat sa West Philippine Sea. Walang karapatan ang China na angkinin ang ilang isla sa West Philippine Sea at magtayo ng base militar doon. Pag-aari ng Filipinas ang West Philippine. Ang Filipinas ang dapat makinabang sa “maritime entitlements” doon. Tulisan ang China. Isang malaking bully.

Balik tayo kay Tolentino. Tumayo siya sa Senado noong 2019 upang magsipsip kay Duterte. Abogado si Tolentino at alam niya na walang mangyayari sa hinihingi niya na ratipikasyon sa verbal agreement ni Duterte at Xi. Kampi si Duterte sa China. Walang pakialam si Duterte sa interes ng Filipinas. Mas mahalaga kay Duterte ang China.

Dahil pumalag ang DFA sa ilalim ni Teddy Locsin sa pagsipsip ni Duterte sa China, minarapat ni Tolentino na pahinain ang posisyon ng Filipinas na usapin ng patuloy na paglabag ng China sa karapatan ng Filipinas sa kanyang sariling EEZ. Mabuti na at hindi nakumbinsi ni Francisco ang mga kasamang senador sa kagaguhan ni Duterte.

Taksil si Duterte sa Filipinas. Mandarambong pa. Mamamatay tao. Isa si Francisco Tolentino sa kanyang walanghiyang kapanalig. Hindi dapat paniwalaan si Tolentino

***

MGA PILING SALITA: Sometimes the hypocrisy is astounding. Those who call Joma Sison a terrorist and yet will accept Duterte’s extra-judicial reign of terror as legitimate. Sheesh.” – Bart Guingona, netizen, social critic

“MAHIRAP si Boy Abunda. He’s neither fish nor fowl. Kahit siya hindi niya alam kung saan lilinya: showbiz at chimis o serious topic. Hindi nagsusulat. si Boy A. Pang TV talk show lang. Subukan niyang magsulat kung saan ang lahat ay puede siyang mabasa… Lalagariin siya, o kakatamin. Magugulpi siya. Pseudo-intellectual lang. Mas angkop si Roy Mabasa. Sa kanya na lang tayo.” – PL, netizen

“What would be Prof. Joma Sison’s legacy? First is the profound understanding and exposition of the problems of Phil society. Second is establishing a movement that would address those social issues. It was never enough to interpret the world. The point always, was to change it.” – Renato Reyes Jr.

“In an unguarded moment in a media forum this morning, NEDA Director-General Arsenio Balisan has described the MIF as a “complementary vehicle” in what appeared to be a virtual admission that it is something unplanned, or a spur-of the moment decision by the BBM gov’t.. So, what’s the use of economic planning?” PL, netizen