Advertisers
Ni BETH GELENA
NANGANAK na last Thursday si Solenn Heussaff ng beautiful baby girl.
Kahapon, Sunday sa kanyang Instagram account ay makikitang kalong ni Solenn ang newborn baby nila ni Nico Bolzico habang pinabi-breastfeed niya ang baby.
Sa Makati Medical Center nanganak ang Kapuso TV host. Hindi pa alam kung nakauwi na ang mag-ina.
Sa different post ni Solenn, she was “debloating a little and ready to go home.”
Sa IG ng husband niyang si Nico ay in-announced niya thru sa short Instagram video, “What a crazy day today! Argentina qualified to the finals of the World Cup with Messi playing a great game. And we just had a super healthy baby girl.”
Dagdag pa ni Bolzico, “My daughter being born is one million times more important than the finals of the World Cup and it’s very unfortunate that I mentioned them both in my previous comment.”
Base pa sa caption ng mag-asawa ang pinangalan nila sa kanilang baby ay Lionel, na kinuha nila sa Argentine football great na si Lionel Messi.
Ang panganay nilang anak ay si Thylane na isa ring girl.
***
BARBIE AYAW NA MADIKIT KAY DEBBIE
AYON kay Barbie Imperial, ayaw na raw niyang magkaroon pa kaugnayan kay Debbie Garcia, ang actress na kanyang sinugod umano sa isang bar.
Sa isang panayam sa aktres; nabanggit niyang naka-move on na siya sa nangyaring gulo sa kanila.
Aniya, hindi siya nagsalita noon dahil nasa korte na umano ang kaso, pero hanggang sa kasalukuyan dpaw ay wala siyang update sa isinampang demanda rito.