Advertisers
Napakatindi pala nitong isang EX-BARANGAY KAGAWAD sa TANAY, RIZAL dahil kung oagbabasehan ang akusasyon ng isang biyudang naghain ng kaso ay bukod sa pagiging PROFESSIONAL ISKUWATER dahil illegal na inokupahan nito ang loteng pagmamay-ari ng biyuda ay ESTAPADOR pa ang una dahil tinangayan pa ng pera ang huli.
Nitong nagdaang Linggo ay naghain ng kasong ESTAFA ang nasabing EX-BRGY. KAGAWAD na umano’y nagpapanggap na “mahirap” at “landless”.., pero napag-alamang may-ari ng iba’t ibang bahay na ‘yung iba ay paupahan pa na itinayo sa pribado at tituladong lote sa TABAY, RIZAL na pag-aari ng dalawang biyuda.
Ang nagsampa ng kaso ay ang isa sa dalawang biyuda, na sa kagustuhang mapabilis na mabakante ang kanyang ari-arian ay pumayag pa na bayaran na lamang ang dating kagawad sa mga nagastos nito sa “illegal na pagpapatayo” ng magarang bahay sa lote ng halagang P600, 000.., subalit sa halip na umalis pagkaraang tanggapin ang paunang bayad na P400, 000 ay di na muling nakipag-usap.
Sa salaysay ni MS. FELICIDAD Z. ABUYA na Isinumite sa tanggapan ni TANAY POLICE CHIEF, LT. COL. RODOLFO SANTIAGO, ang EX-BRGY. KAGAWAD. na si SALVADOR NEBRAN ng BRGY. MANILAYDILAY, TANAY ay nakipagkasundo umano na kapag binayaran ito ng P600,000 ay kusa na itong aalis, gayundin ang mga kasamahan niyang illegal na umukupa sa pag-aaring lote ng biyuda.
Ang KASUNDUAN ay isinagawa sa harap ni BRGY. MANILAYDILAY CHAIRMAN MANALO at TESTIGONG si RAQUEL REDADO, na nagkita-kita sa loob ng BDO BRANCH ng TANAY noong Enero 10, 2017.., na kasama pa noon ni NEBRAN ang kaniyang ASAWA, at personal na tinanggap ang P400,000 mula kay MS. ABUYA at ang kakulangan sa KASUNDUAN na P200,000 ay ibibigay kapag lumisan na ang buong grupo ni NEBRAN sa lote ni ABUYA.
Gayunman, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nililisan ni NEBRAN ang lote na kung tutuusin ay matagal nang ipinag-utos.., at yan ay noon pang Agosto 22, 2011 sa hatol ng Municipal Trial Court ng Tanay, Rizal na bakantehin ng mga illegal na nakatira rito ang lote, at kasama sa kautusan ang pagbabayad ng P10,000 monthly, sa loob ng 11 taon na illegal nilang pag-ukopa rito.
Maraming iskwater ang nakiusap sa dalawang biyuda na may-ari ng lote, na aalis na lamang sila at ‘wag nang pagbayarin ng malaking halagang upa, kaya’t halos lahat sa mga ito ay umalis na sa lugar.., maliban kay kagawad na tuloy ang pagmamatigas.
Ang masama pa rito, ayon sa abugado ng mga biyuda.., “hindi na umalis ay pinalabas pa ni kagawad na may mahigit na 60 pa raw na kabahayan ng mga “landless familes” ang nasa pribadong lote, sa isinagawang Pre-Demolition Conference (PDC) ng tanggapan ng PRESUDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP), na agad na nagpasiyang di maaaring magkaroon ng demolition hangga’t walang maibibigay na ayuda ang local na pamahalaan sa mga iskwater na mahihirap daw na nakatira pa sa naturang lote.”
Si NEBRAN at kaniyang mga kasamahan ay UNANG IDINEMANDA ni MS. DIVINA PERALTA na asawa ng namayapang GENERAL PERALTA na nanungkulan noong administrasyon ni dating FERDINAND MARCOS SR.., na ang claim niya ay pinanigan ng korte at inatasan pa ang grupo ni NEBRAN na magbayad ng P10,000 kada-buwan sa panahon ng pag-ukopa nila sa nasabing Lugar.
Ang LOTE ni PERALTA at ABUYA ay magkadikit lang at matagal nang pinaaalis ang grupo ni NEBRAN sa naturang pribadong lote.
Sabagay, may hatol na ang korte pabor sa CLAIM ni MS. PERALTA at pinalalayas ang grupo ni NEBRAN sa loteng kanilang inokupahan at ngayon naman ay muling sasalang ito sa korte sa kasong isinampa naman ni MS.ABUYA dahil sa pagiging ESTAPADOR nito!!!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.