Advertisers
Kalahating taon nang naupo sa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos.
Naitalaga na rin niya ang kanyang mga pinagkakatiwalaang tao sa mga departamento.May mga natanggal kaagad sa rasong pulitikal at may mga namumuro dahil sa incompetence at may mga pinagtibay na ng Commission on Appointment at meron ding na-bypass.
Pero marami pa ang bakanteng puwesto kung saan ay maaring sinasala nang husto at ang iba naman ay may mga inendorso ng mga kaibigan pero kulang sa kakayahan.
Sa dalawang ahensiya ng pamahalaan sa sports,ang Philippine Sports Commission na may timon sa amateur at ang Games ang Amusement Board na may papel sa propesyunal ay may mga mahalagang posisyon pang bakante hanggang sa kasalukuyan.
Sa PSC ay nombrado na ni PBBM ang chairman at isang commisioner kaya kulang pa ng 3 kume upang mabuo ang board para sa normal nang operasyon.
Officer-in-charge pa rin ang namumuno sa GAB habang hinihintay ang maitatalagang chairman at commissioners na malamang ay sa Enero ng susunod na taon na ito mangyayari.
Ayon sa reliable source ng korner na ito,isang kilalang pigura na sports community ang manunumpa na sa Palasyo after holiday season.
Siya ay mula sa angkan ng sikat na kolumnista sa palakasan at naging Kapuso sports field reporter na madalas ding ma-assign na magkober ng international sports events partikular sa pro- boxing kapag me laban ang ilan nating magigiting na boksingero.
Naging commissioner na siya ng isang commercial pro- am caging na Philippine Basketball League o PBL noon.
Ngayon ,marahil ay kilala nyo na siya kung SINO ang chosen one.SINO pa nga ba ‘e di si CHINO!?
At kung talagang nauukol…Welcome sa GAB Chairman Manolo ‘Chino’ Trinidad… ‘Chairmanolo’… PANALO!