Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MARAMI ang pumupuri sa husay sa pagganap ni Jake Cuenca sa pelikulang My Father, Myself na entry sa darating sa annual Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kahit sa teaser pa lang ay nagpakita na ng kakaibang husay si Jake. Actually, ang apat na major casts dito ay pawang magagaling ang performance sa bagong obrang ito ni Direk Joel Lamangan.
Bukod kay Jake, tampok sa My Father, Myself sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Sean de Guzman.
Ipinahayag ng aktor na proud siya sa kanilang pelikula.
Lahad ni Jake, “As an artist, I’m proud of this film. I’m proud of the challenges that I’ve conquered in this film. I’m proud to be directed by Direk Joel again and I feel I have conquered something in this film.
“Kaya noong sa My Father, Myself presscon, pinupuri ako ni Direk Joel, pinupuri ako ng press, para na akong nanalo, to be honest with you. And I’m so grateful with that. Kung hindi man ako manalo sa awards night, iyon ang panghahawakan ko, iyong pagpupuri ninyo at iyong pagpuri ni Direk Joel,” masayang pakli pa ng mahusay na aktor.
Gumaganap si Jake rito bilang si Robert, isang human rights lawyer na closet gay, na magkakaroon ng relasyon sa ampon niyang si Matthew (Sean) na anak ng dati niyang lover. Mas naging masalimuot ang takbo ng kuwento ng pelikula na tinatawag din na DL or Different Love story, dahil si Matthew ay mabubuntis naman ang anak ni Robert na si Mica (Tiffany).
Habang nangyayari ang lahat ng ito, si Amanda (Dimples) ay tahimik lang pala na kinikimkim ang mga bigat sa puso niya ng mga kaganapang ito, pero alam niya na isang closet gay ang lalaking minahal at pinakasalan niya.
Ang pelikulang My Father, Myself ay mapapanood na sa mga sinehan sa December 25. Ito’y mula sa panulat ni Quinn Carrillo at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.
Kabilang din sa producers ng pelikula sina Win Salgado, Jumerlito P. Corpuz, at Nicanor C. Abad.