Advertisers

Advertisers

Julia inuna pa makipag-bonding sa ama ni Gerald kaysa erpat na si Dennis; Janine agad rumesbak nang akusahang buntis sa malaking tiyan

0 190

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

INULAN ng batikos nang makita ng netizens ang pakikipag-bonding ng gf ni Gerald Anderson na si Julia Barretto sa ama ng bf.
Nakita sa socmed ng netizens ang bonding ni Julia sa tatay ni Gerald.
Ayon sa basher, buti pa raw sa ama ni Gerald ay may time or pinaglaanan nito ng oras.
Mas okey raw kung ang sariling ama nito ang kanyang i-bonding.
Knowing na sabik pa naman si Dennis Padilla na maka-bonding ang kanyang mga anak.
Sa post sa socmed ng bonding moment ni Julia sa ama ng bf ay talagang inulan ito ng bash.
As in, samu’t saring pamba-bash ang larawan ng bonding ni Julia sa ama ni Gerald.
Nag- wish ng good luck ang netizens na mag long last ang relationship nina Julia at Gerald.
Matatandaan na naipakilala na rin dati ni Gerald ang kanyang mga ex sa kanyang ama tulad nina Kim Chiu, Maja Salvador at Bea Alonzo.
Pero dapat daw ay unahin ni Julia na makipag-ayos sa ama nitong si Dennis sey pa ng netizens.
***
SA isang post ng larawan ng rumored magdyowa na Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa ginanap na di masyadong engrandeng Christmas special ng Kapamilya network.
Napuna ng netizen at di nakaligtas sa lente ng mata nito na tila umbok na tiyan ni Janine.
Nakasuot naman ito ng black fit gown pero napansin na malaki ang tummy ng actress.
Kaya napa-comment itong netizen at lakas loob na nagtanong sa comment section kung buntis ba ang Kapamilya actress.
Agad naman sinagot ni Janine ang netizen na bloat or PMS daw ‘yun or Premenstrual Syndrome.
This month nga raw ay inamin ng actress na sarap nga raw magkakakain lalo na at papalapit na ang Holiday season.
Saka na nga raw mag-diet ang actress after Cristmas
Sabay pahaging din ng actress sa pumuna na netizen sa kanyang tummy na sana nga raw ay masarap din itong kumain.
Humingi ng sorry agad ang netizen na napagkamalang buntis si Janine Well, well, well…Yun na!