Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MASAYA ang mga tagahanga ni Kim Chiu nang makita ang Twitter account ng ABS-CBN Entertainment ang mga larawan at screen shots mula sa ABS-CBN Christmas Special 2022, na ipinalabas noong Linggo, na ang idolo nila ang nasa sentro ng pinagsama-samang Kapamilya actresses, na binubuo ng mga bago at kilalang leading ladies at female lead stars.
At katabi rin ni Kim ang ABS-CBN bosses na sina Mark Lopez at Carlo Katigbak.
Indikasyon daw ito na binibigyan ng karampatang importansiya ng Kapamilya network si Kim sa Christmas special.
Tweet ng isang fan ni Kim,”Finally nasa center at focal point si Kim @prinseschinita. Dapat lng naman considering her years and stature at @ABS-CBN and @starmagicphils.
Salamat nman binigyan nyo rin ng karampatang importansiya si Kim. Truly, deserving to be the Queen of @starmagicphils. Thank you po ulit
Ni-retweet naman ng girlfriend ni Xian Lim ang saloobin na ito ng kanyang tagahanga.
Isa pang tagahanga ni Kim ang nag-tweet. Sinabihan nito ang isang Kapamilya TV production head writer.
Sabi ng fan, dapat ay maging fair ang head writer at i-consider daw nito ang lahat ng factors bago ito mag decide sa billing such as popularity, bankability, achievement and years of service.”
Pero ayon kay Kim, hindi importante sa kanya ang billing at sapat na sa kanyang may trabaho siya.
Reply ni Kim sa kanyang tagahanga, “I think billing is not as important, di rin naman lalaki TF [talent fee] mo if ikaw yun una, huli or gitna.
“Basta’t may trabaho ako okay na po ako dun.
“Salamat sa ABS-CBN sa mga opportunities na binibigay nila sa akin.
Nakakatuwa talaga si Kim, di ba? Para siyang ang namayapang aktor na si Eddie Garcia na hindi importante rito ang billing.
Pero sa pagiging sikat, dami ng achievements, at laging hataw sa rating ang mga serye na pinagbidahan ni Kim sa ABS-CBN, dapat lang naman at deserved niya na laging maganda ang kanyang billing, di ba?
***
AIKO PROUD NA NAGING GUEST SA B-DAY SI VP SARA
MASAYANG-MASAYA si Aiko Melendez nang ipagdiwang ang kanyang ika-47th birthday noong December 16. Dumaan kasi ang Bise Presidente ng bansa na si Sara Duterte sa kanyang party
Sa isang Instagram post ay proud niyang ipinost ang picture nila ni VP Sara at tila napa-fangirl mode pa ang actress-politician.
IG caption ni Aiko, “Madam VP @indaysaraduterte Maraming salamat for coming to my party po.”
Patuloy pa niya, “I am still in cloud 9. And thank you for staying long also (green heart emojis) Fangirling moment for me.”
“Finally!!! In one picture together. This is far my best birthday ever (green heart emoji) Vice President of Republic of the Philippines (green heart emojis)”