Advertisers

Advertisers

Kimson Tan sasabak sa International Film

0 220

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SUNUD-sunod ang blessings na dumarating sa promising young actor ng Sparkle na si Kimson Tan.
Maliban sa kanyang nakakaintrigang karakter sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters bilang Steven Yap, magiging parte rin si Kimson ng international movie na ‘King of Hawkers’ na may layuning ipakilala ang Singaporean food at ang kanilang kultura sa buong mundo.
Sa susunod na taon ay dadayo si Kimson sa Singapore upang kunan ang kanyang mga eksena sa pelikula sa loob ng isang buwan. Magkakaroon din ng training si Kimson sa tulong ng Crazy Rich Asians chef at food stylist na si John See.
Hindi pa man nagsisimula rito, ramdam na ang full support ng fans ni Kimson. Say ng isang fan sa Instagram ni Kimson, “Congratulations Kimson! Ito na ang opportunity na pinakahihintay mo. Na-witness ko how you started in showbiz. Galingan mo! Dito lang kami to support you! We love you!”
Congratulations, Kapuso!
***
The Clash 2023, may pasilip sa kanilang Top 30
TULOY na ang pagbabalik ng reality talent competition ng GMA Network na The Clash 2023
Mula sa libu-libong nag-audition sa buong bansa, tanging ang mga pinakamagagaling na clashers lang ang natira. At kahapon, ipinasilip ng The Clash sa kanilang social media accounts ang ilan sa napiling Top 30 kabilang sina Jamie Elise, Arabelle dela Cruz, Isaac Zamudio, Nash Casas, at Kirby Bas.
Tutukan ang kanilang journey at kilalanin ang iba pang makakapasok sa Top 30 sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube ng The Clash.
Abangan ang The Clash 2023 soon on GMA-7.