Advertisers

Advertisers

MIAA GM CHIONG, NANAWAGAN NG ‘MAXIMUM ATTENDANCE’ SA AIRLINE EMPLOYEES

0 190

Advertisers

NANAWAGAN si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong sa mga airline operators at kanilang ground handler na nag-ooperate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals na tiyakin ang ‘maximum attendance’ ng kanilang mga empleyado at isama ang mga buffer sakaling kailanganin ang augmentation ngayong linggo ng Pasko.

Ito ay makaraang makapagtala ng 1.6 milyong paparating at papaalis na mga pasahero sa NAIA terminals mula sa internasyonal at domestic flights para sa buwan ng Disyembre 1-15,2022.

Ayon kay Chiong, inutusan nito ang kanyang mga tauhan sa operations na magsumite ang mga airline ng kanilang iskedyul ng manpower at deployment vis-a-vis sa kanilang bilang ng mga flight sa isang araw at siguraduhin na mayroong sapat na kawani lalo na ang mga ahente ng pag-check-in, mga loader at mga ramp agent.



Dagdag pa ng opisyal na inatasan din niya ang sariling operations at engineering team ng MIAA na tiyakin ang pagiging maaasahan ng lahat ng pasilidad at kagamitan na lubos na makakaapekto sa operasyon ng flight.

Bukod dito, agad ding ipinag-utos ni Chiong ang masusing inspeksyon sa baggage handling system sa NAIA terminal 3 kasunod ang ulat na may ilang mga isyu ang naranasan umano ng mga pasahero sa loob ng halos isang oras noong umaga ng Sabado ( Disyembre 17).

Bagama’t ang mga hakbang sa contingency na inilagay ay sumunod sa Manual ng MIAA para sa Irregular Operations (IROPS), binigyang-diin ni Chiong na ang layunin ay dapat palaging walang ‘system failure’.

Kaugnay nito, hinimok din ng nasabing opisyal ang mga airline na magplano rin para sa mga contingencies upang umakma sa mga hakbang nang pagpapagaan para sa mga hindi regular na operasyon ng paliparan.

Kamakailan ay nagpahayag ng matinding pagkabahala ang MIAA hinggil sa nangyaring insidente kung saan ang mga bagahe ng mga pasahero ng airline ay nabigong dumating sa kanila dahilan nang kanilang pagkadismaya.



Sinabi ni Chiong na dapat ay palaging ipaalam ng mga airline ang mga pasahero kung hindi na-load ang kanilang baggage sa flight ay bigyan sila ng kinakailangang kompensasyon sa bawat araw ng pagkaantala batay sa Air Passenger Bill of Rights (APBR).

Binigyang-diin rin nito na dapat palaging magtulungan ang MIAA at ang mga airline upang ang mga mananakay ay mabigyan ng kaaya-ayang karanasan sa NAIA terminals. (JOJO SADIWA)