Advertisers

Advertisers

3 bata naputukan ng kwitis

0 192

Advertisers

SUGATAN ang tatlong bata nang pumutok ang kwitis na kanilang sinindihan sa San Nicolas, Iriga City.

Ayon sa tiyahin ng mga biktima, nakita ng mga bata ang paputok sa likod-bahay, sinindihan at pumutok.

Sa ulat, nasa edad 6 hanggang 7 anyos ang magpipinsan.



Dinala sa ospital ang mga biktima upang tahiin ang daliri ng dalawa, habang nilinisan ang mukha at mata ng isa.

Ayon kay Punong Barangay Ariel Luceña, hindi pa nag-report sa kanila ang magulang ng mga bata kung ano ang buong pangyayari. Hindi rin matukoy ng opisyal kung saan nanggaling ang napulot na kwitis.

Wala parin ulat ang Iriga City Police Station, gayundin ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRM) pati ang Bureau of Fire Protection (BFP). Gayunpaman sinabi ni Luceña na paiigtingin nila ang information dissemination upang hindi na madagdagan ang firecracker related injury.

Sa record ng Department of Health Bicol (DOH), 6 ang nasugatan dahil sa paputok sa pagdiriwang ng Pasko noong 2021 hanggang sa pagsalubong sa 2022 sa lalawigan ng Camarines Sur.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">