Advertisers
USO na ngayon ang paggamit sa convicted criminals para madiin sa kaso ang pinag-iinitan.
Nagsimula ito sa nakaraang administrasyon ni Rodrigo Duterte. Ginamit niyang testigo ang mga convicted criminal sa New Bilibid Prison (NBP) para idiin ang numero uno niyang kritiko na si Senador Liela de Lima sa “tahi-tahing kaso” ng iligal na droga.
Si de Lima ay natapos lang ang unang termino na nasa kulungan hanggang ngayon. Hindi parin ito nababasahan ng sakdal. Nag-atrasan narin ang mga testigo laban sa kanya na mga person of deprived liberty (PDL). Natigok na nga ang mga PDL na ito matapos magwidro sa kanilang salaysay. Isa sa mga PDL na sinupot este nasawi raw sa Covid-19 ay si Jayvee Sebastian.
Pati ang dating hepe ng Bureau of Corrections na si Rafael Ragos ay umatras narin sa pagtestigo laban kay De Lima. Napilitan lang daw siyang magtahi-tahi ng mga detalye para idiin noon si De Lima dahil sa utos ng kanyang “boss” na si noo’y Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Hanggang ngayon si De Lima ay nasa custodial facility parin ng PNP sa Camp Crame. Muntik pa itong matigok nang i-hostage ng nagwalang bilanggo na miyembro ng Abu Sayyaf Group. Napakabagal kasi ng pag-usad ng hustisya para kay De Lima. Malakas parin kasi ang impluwensiya sa kasalukuyang pangulo, Bongbong Marcos, ng taong nagpakulong sa kanya.
Ang nangyaring ito kay De Lima ay malamang na mangyayari rin kay suspended BuCor Director General Gerald Bantag na pinag-iinitan ngayon ng mag-among BuCor OIC Gregorio Catapang at Justice Sec. “Boying” Remulla.
Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi ng Igorot na Bantag laban kina Catapang at Remulla, matapos siyang sipain sa puwesto dahil sa pagkadawit sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor.
Sa galit ng retired AFP Chief na Catapang, kinalkal ang mga ginawang kalokohan ni Bantag sa BuCor. Nabunyag ang mga iligal na transaksiyon nito sa BuCor na hindi naaayon sa batas, pati pang-aabuso sa mga bilanggo ay nabunyag.
Dalawang gang leaders ngayon sa Bilibid ang tumatayong testigo para idiin si Bantag sa mga kasong murder, frustrated homicide, plunder, etc…
Lahat ng nakakalkal na baho ni Bantag sa BuCor ay ipinapasa ni Catapang kay Remulla.
Dahil wala na sa puwesto si Bantag at wala narin sa poder ang kanyang “Tatay Digong”, dehadong dehado ang Igorot General sa laban kina Catapang at Remulla. Hindi malayong matulad siya kay De Lima. Pramis!
Nagpalabas na nga ng Immigration Lookout Bulletin Order ang DoJ laban kay Bantag at sa kanyang “hitman” na si Colonel Ricardo Zulueta, isa rin sa mga itinuturong utak sa pagpaslang kina Lapid at Villamor.
Ito ang masamang nangyayari sa paggawad ng hustisya sa bansa. Pati convicted criminals ginagamit sa pagtahi ng mga detalye para maidiin ang kaaway. Onli in da Pilipins!
Oppp!!! Tatlong tulog nalang po, PASKO NA! Opo sa Linggo na po yan, mga ninang at ninong.
Kaya bago ako malasing at makatulog, binabati ko na kayong lahat ng Merry Christmas. Peace…