Advertisers

Advertisers

Di talaga matiis…Sarah balik-trabaho para sa pamilya

0 232

Advertisers

Ni JOVIE LLOZA

NAPANSIN ng netizens na ang Sarah G Special ng Popstar na si Sarah Geronimo ay taped at music video na lang ang napapanood.
As in, wala na nga raw napapanood na live si Sarah.
At ang pag-appear ni Sarah sa ASAP Natin To every Sunday na noontime musical variety show ng ABS-CBN.
Natuwa ang fans ni Sarah nang mapanood ang kanilang idolo na matagal ding walang appearance sa nasabing noontime Sunday show ng Kapamilya.
Naging pulutan ulit si Sarah sa isang showbiz platform show.
Nagtataka ang mga host ng showbiz platform kung bakit ang mudra ni Sarah ay galit na galit sa kanya .
Naging isang mabuting anak naman daw ito sa kanyang mga magulang.
Sa pag-apir o pagtratrabaho muli ni Sarah napag-usapan nina Cristy Fermin at co-hosts na napilitan na nga lang magtrabaho si Sarah para sa kanyang magulang.
Ayon naman sa netizens ay ubra na raw na magpasarap sa buhay si Sarah pero kailangan pa nito mag-work.
Samantala, marami ring naawa kay Mommy Divine sa reklamo sa kanya ng mga empleyado na di naibigay ang tamang benepisyo para sa mga ito.
Wish ng netizens na maging happy at Merry na ang Christmas ng pamilya at matuldukan na ang gusot.
***
Spencer gulat kay Ice na dating kalabtim nang makita
NAGING proud ang dating Streetboys member at actor na si Spencer Reyes after 7 years na pananatili sa U.K partikular sa Scotland.
Hindi nito itinago at ikinahiya kung ano ba ang naging kapalaran niya sa Scotland.
Naging bus driver daw si Spencer doon ng pitong taon.
May dalawa nang anak si Spencer na ipinasyal siya sa MOA at may isang chair doon sa park.
Bigla nga raw nagbalik alaala sa kanya ang 1990’s.
Ang ikinatuwa nito ay ang makita ang ka-loveteam na si Aiza na ngayon ay Ice Seguerra.
Kaya tanong ng netizens, may posibilidad ba na magsama ulit sa isang project ang dating love team.
If ever may reunion project daw sina Ice at Spencer, magbarkada or magtropa na lang sila at di na love team.
Gulat na ito sa ka-love team dahil astig at barako na raw ngayon.
Well, well, well…’Yun na!