Advertisers

Advertisers

Korapsiyon sa hindi tamang paggamit ng Electronic Online Payment ng mga fees, nabunyag

0 236

Advertisers

NABUNYAG at pormal nang iniakyat sa Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng isang pormal na reklamo, ang umano’y korapsiyon na sinasabing nagaganap sa tatlong tanggapan ng pamahalaan, hinggil sa maling paggamit ng electronic online payment ng mga fees o bayarin.

Inihain ni Atty. Danilo Abaya Tiu ang reklamo ng korapsiyon sa Ombudsman laban sa mga opisyal ng Development Bank of the Philippines (DBP), Professional Regulations Commission (PRC), at DBP Data Center Inc (DCI) na umano’y nakipagsabwatan sa Multisys Technologies Corporation at Multipay Corporation hinggil sa improper use ng electronic online payment ng mga fees.

Nabatid na pinadalhan din ni Atty. Tiu ng kopya ng kanyang reklamo ang Governance Commission for GOCCs (GCG), na tumiyak noong Disyembre 13, 2022 na ang kopya ng reklamo ay makakarating sa kaukulang GCG officer para sa kaukulang aksiyon.



Ang Multisys ay kilalang partner at ka-joint venture ng iba pang korporasyon, pangunahin ang My EG at IPAY, na nagbibigay ng fintech services sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.