Advertisers

Advertisers

Mag-asawa huli sa pagnanakaw at pagpatay na estudyante

0 156

Advertisers

ARESTADO ang mag-asawa na sangkot sa pagnanakaw at pagpatay sa isang estudyante sa Angeles City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Val Cahanding, 22 anyos; at misis nitong si Japanie Torbelles, kapwa residente ng Barangay Pulungbulu, Angeles City.

Ang dalawa ang itinuro ng mga saksi na nakitang lumabas sa bahay ng biktimang si Juana Mae Maslang, 18, noong Disyembre 16.



Sa report, duguan at wala nang buhay si Juana Mae nang datnan ng kanyang ina at nawawala ang relo at cellphone nito.

Sinabi ni Police Regional Office 3 Chief, Brig. Gen. Cesar Pasiwen, na sa follow-up investigation ng mga operatiba ng Angeles Police Station 1, ilang tao ang nakakita sa mag-asawa habang palabas ang mga ito sa bahay ng biktima nung araw na maganap ang krimen.

Sa bahay ng mga salarin ay narekober ng pulisya ang dalawang t-shirt na may bakas ng dugo at isang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Nahaharap sa kasong robbery with homicide ang mga mag-asawa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">