Advertisers

Advertisers

Oplan tokhang ibabalik ng PNP?

0 179

Advertisers

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na kapag bubuhayin ang “Oplan Tokhang” hindi ito maaabuso.

Hindi man kinumpirma o itinanggi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ang pagbabalik ng Oplan Tokhang, ngunit kinilala ang mga nakaraang pang-aabuso ng pulisya sa pagsasagawa ng anti-drug program ng gobyerno.

“Hintayin po natin ang official statement po kung talagang magkakaroon ng revival nito, pero kung sakaling mare-revive ito, malaki po ang magiging papel ng ating mga barangay drug abuse council para magkaroon din po ng check and balance at magkaroon ng proper monitoring, at sila rin po mag i-identify sino ba ang magiging subject ng ating mga house visitation at we will make sure na hindi ito maaabuso kung sakaling i-revive po ulit,” paliwanag ni Fajardo sa interbyu sa radyo.



“Nagkakaroon po ng periodic evaluation at assessment, at ‘yung mga best practices po ng nagdaang panahon ay pwedeng ikonsidera at i-revive kung nakikita nating effective pero in the case po of Operation Tokhang, alam naman po natin, sir, na naging mahirap po ito,” dagdag pa ni Fajardo.

Nagsimula ang Oplan Tokhang noong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsulong ng madugong giyera kontra droga.

Base sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, mayroong 6,215 katao na nasawi sa drug war noong nakaraang administrasyon.

Giit naman ng mga kritiko na maaaring mas mataas pa sa 20,00 ang nasawi.

Sinabi ng University of the Philippines Third World Studies Center na 127 katao ang napatay sa kampanya laban sa droga ng gobyerno mula Hulyo 1 hanggang Nobyembre 7, ngunit sinabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na ang bilang ay 46 lamang – na “very minimal. ”



Ang muling pagbuhay sa Oplan Tokhang sa panahon ng administrasyong Marcos Jr. ay itinaas nang irekomenda ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, isang dating PNP chief, ang pagpapanumbalik nito sa gitna ng umano’y pagbabalik ng mga talamak na drug trafficking sa bansa.