Advertisers

Advertisers

Pahinante lumusot sa windshield, nagulungan pa ng truck

0 136

Advertisers

NASAWI ang isang pahinante nang lumusot ito sa windshield at nagulungan ng sinasakyang truck sa national road sa Brarangay. Cueva, Sta. Maria, Laguna, Lunes ng gabi.

Agad nasawi ang pahinanteng si Cris Gerald Macuro.

Ayon sa report ng Sta. Maria Police, nawalan ng preno ang mini dump truck na kargado ng buhangin na sinasakyan ng biktima sa palusong na bahagi ng kalsada. Bumangga ito sa mga tambak na lupa sa gilid ng kalsada kaya tumilapon ang pahinante mula sa kinauupuan.



Tumama ito at lumusot sa windshield at nagulungan ng unahang gulong nang bumagsak sa lupa.

Huminto lamang ang truck nang tumagilid ito sa kalsada.

Nasugatan din ang drIver ng truck na si Renato Canada na isinugod sa ospital sa bayan ng Pakil.