Advertisers

Advertisers

Pulis-Maynila na nanakot ng mga estudyante ng UST, sinibak

0 188

Advertisers

INALIS sa puwesto ang isang Pulis-Maynila na nanakot at nagtangkang bumunot ng baril sa mga estudyante ng University of Santo Tomas nitong Linggo ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Sa ulat, pauwi na ang mga estudyante na miyembro ng Junior Judo Team ng UST mula sa isang selebrasyon ng kanilang pagkapanalo sa kompetisyon.

Tiyempo namang nasa lugar ang pulis na si Corporal Marvin Castro para rumisponde sa umano’y “domestic violence” na nangyayari nang mapansin ang ingay ng mga estudyante.



Ayon kay Manila Police District (MPD) Director, Brig .General Andre Dizon, pinagsabihan ni Castro ang mga estudyante nguni’t nang makalayo ng ilang metro muli silang nag-ingay kaya muli niya itong pinuntahan at sinita.

“Parang nag-aakma ata sugurin siya, hinawakan na niya ‘yung baril niya dahil syempre nadala na rin siguro sa safety niya ‘yung tao”, depensa ng Heneral kay Castro.

Ayon pa kay Dizon, hindi naman itinutok ni Castro ang baril sa mga estudyante.

Humingi ng paumanhin si Castro sa mga magulang ng mga estud-yante, nguni’t galit ang kanilang naging tugon dahil sa takot at tensyon na idinulot nito sa kanila.

Giit pa ng isang estudyante, walang dahilan para bumunot ng baril ang pulis, maglabas ng posas o sumakay sa police car.



Dahil dito, isinailalim sa ‘floating status’ si Castro habang isinurender narin niya ang kanyang service firearm habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. At habang hinihintay pa ng awtoridad ang psychological evaluation ng mga estudyante.(Jocelyn Domenden)