Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PANALO kapag isinadula sa Magpakailanman ang buhay ni Yasmien Kurdi dahil makabagbag-damdamin ang mga pagsubok sa buhay na pinagdaanan ng Start-Up PH actress sa murang edad.
Isa na rito ay nang kinailangan niyang magtrabaho para sa pag-aaral matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang.
“Naghiwalay ang parents ko noon, mom and dad ko naalala ko I was 12 or 13, noong pag-uwi nga rito sa Philippines,” pagbabahagi ni Yasmien sa Updated with Nelson Canlas podcast.
Bago nito, lumaki si Yasmien sa Kuwait dahil doon nagtatrabaho ang kanyang ama na isang Lebanese, at Filipina ang kanyang ina.
Hanggang sa magdesisyon ang kanyang ina na umuwi na sa Pilipinas.
“‘Yung dad ko biglang nagsabi na ayaw na niyang magpadala hangga’t hindi kami bumabalik sa Middle East. Eh ‘yung mom ko ayaw, gusto dito sa Philippines. Kasi may conflicts sila, mga love life issue nila,” anang “Start-Up PH” actress.
“Ako naman, naipit ako sa situation nila to the point na wala akong pang-tuition fee. Sabi ko ‘Paano ‘yon?’ Sabi ko noong time na ‘yon, ‘Sige magtatrabaho na lang muna ako, magmo-modeling.’ Doon ako kumukuha ng panggastos ko sa modeling, (pang) tuition fee,” kuwento ng aktres.
Edad 14 si Yasmien nang sumali sa pinakaunang season ng Starstruck noong 2003.
Malaking bagay daw na nakatatanggap siya ng weekly allowance, na ginagastos niya para sa pangangailangan nilang mag-ina.
Sa kabutihang palad, may iniwan ang kanyang namayapang lolo na tahanan at doon sila tumira ng kanyang ina.
“Naputulan na kami ng tubig, ng kuryente, ‘yon ang struggles ko na naranasan noong first years ko sa Philippines,” sabi ni Yasmien.
Bata pa lamang, pangarap na ni Yasmien na maging isang artista nang mahilig siya sa panonood ng Pinoy dramas.
Ginagaya niya ang mga linyang napapanood at inaarte niya ito sa salamin.
Bukod dito, napansin din ng Filipino community sa Kuwait na may potensyal si Yasmien na mag-artista.
“Na-realize ko na, ito na ‘yung reality, kailangan mo nang i-face ito. Ito na ‘yung bago kong buhay dito na sa Philippines, kailangan ko nang mag-survive. Paano ako magsu-survive?'”
“Ginawa ko na rin siya in a positive way. ‘Yung nangyari sa akin, kailangang maging positive pa rin ako. ‘Bakit hindi ako mag-artista? ‘Di ba sabi ng mga Pinoy noon puwede akong maging artista? ‘Yun na ang simula noon, nagmo-modelling, baka doon ka puwedeng ma-discover. Tinry ko ang mga option na puwede akong maging artista,” ayon kay Yasmien.
Pangarap din ni Yasmien na makapagtapos sa kolehiyo.
‘Yun talaga ang promise ko sa sarili ko, na magtatapos ako ng college. Happy naman din ako. Wala naman sa pagmamadali ‘yan,” saad niya.
Dati nang nag-aral si Yasmien ng Foreign Service at Nursing. Noong 2019, nakapagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University.
***
ANGEL GUARDIAN MALAMYA PERO WINNER SA RUNNING MAN PHILS.
BONGGA si Angel Guardian dahil kahit na mukha siyang malamya ay siya ang wagi sa Running Man Philippines.
Ipinamalas ni Angel Guardian ang kanyang lakas at wit kumpara sa ibang “runners” matapos na siya ang itinanghal na kauna-unahang Ultimate Runner sa 1st season ng “Running Man Philippines.”
Ang isa pa na inaakalang mahina na si Lexi Fernandez ang huling nakalaban ni Angel sa final challenge. Naging matindi rin ang laban nina Kokoy de Santos at Buboy Villar.
Samantala, “incomparable” ang paglalarawan ni Angel sa samahang nabuo nila ng mga kapwa niya “mananakbo” sa Running Man Philippines.”
Nag-iyakan nga sila sa taping ng finale episode nila.
Samantala, nagwakas man ang RMP ay patuloy na mapapanood si Angel sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA.