Advertisers

Advertisers

Sa suporta at kooperasyon, Brgy officials pinasalamatan ni Mayor Honey

0 142

Advertisers

DAHIL sa suporta at kooperasyon sa tagumpay ng lahat programang inilatag ng ng pamahalaang lungsod sa taumbayan ay pinasalamatan ni Manila Mayor Honey ang mga barangay officials ng lungsod.

Kinilala ng kauna-unahang babaeng alkalde ng kabisera ng bansa ang kahalagahan ng ng mga opisyal ng barangay sa pagtukoy ng problema at pangangailangan ng mamamayan at kung paano matutugunan ng epektibo sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Lacuna na ang mga opisyal ng barangay ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga residente at ng mga opisyal ng Maynila upang madala ng huli ang kinakailangang serbisyo direkta mismo sa mga nangangailangan.



Binanggit din niya ang papel na ginagampanan ng mga opisyal ng barangay sa kasagsagan ng pandemya, na katulad din ng mga frontliners na nilalagay ang sarili sa panganib na mahawa ng virus magampanan lamang ang tungkulin.

Ang pasasalamat ni Lacuna ay sinusugan din ni Vice Mayor Yul Servo-Nieto, na nagpahayag din ng pagtanaw ng utang na loob sa mga opisyal ng barangay sa patuloy na suporta na kanilang natatanggap ng alkalde, dahilan para higit na maging mas madali ang kanilang trabaho sa pagpapatupad ng mga programa sa mga residente ng lungsod.

Ipinahayag ng dalawang mataas na opisyal ng Maynila ang kanilang pasasalamat sa Christmas party na kanilang hinost para sa mga nasabing mga opisyal ng barangay.

Pinuri naman ng mga opisyal ng barangay na nagsidalo si Lacuna dahil isinantabi nito ang pulitika at niyakap ang lahat sa kabila ng ibat-ibang political affiliations ng mga ito.

Nanawagan ang alkalde sa mga opisyal ng barangay na patuloy na gampanan ang kanilang tungkulin nang walang takot at hinihintay na pabor at patuloy na tulungan ang pamahalaang lungsod ng Maynila na kilalanin ang mga problemang kailangan ng atensyon.



Sinasaad sa Section 384 ng Republic Act 7160, na kilala din bilang Local Government Code of 1991 na :“as the basic political unit, the barangay serves as the primary planning and implementing unit of government policies, plans, programs, projects, and activities in the community, and as a forum wherein the collective views of the people may be expressed, crystallized and considered, and where disputes may be amicably settled.” (ANDI GARCIA)