Advertisers

Advertisers

2 laborer nalunod sa lawa sa Mt. Province

0 129

Advertisers

Patay ang dalawang laborer nang malunod habang nangingisda sa Lanas Lake sa Barangay Mayag, Mt. Province, Miyerkules, Disyembre 21.

Kinilala ang mga biktima na sina Mayzzon Vicente Batatas, 24; at Czar Jay Vicente Opag, 20, kapwa residente ng Kayan West, Tadian, Mountain Province.

Ayon sa imbestigasyon ng Bauko Municipal Police Station, dumating sa lawa ang mga biktima kasama ang ilang kaibigan 10:00 ng umaga para mag-picnic.



Napagkasunduan ng dalawang biktima na gumamit ng bangka para mangisda sa gitna ng lawa, 3:30 ng hapon, subali’t nahulog umano sa tubig si Batatas.

Agad na sumaklolo ang kasama nitong si Opag para sagipin ang biktima, subali’t pareho na silang nalunod at hindi na nakita.

Agad nag-responde ang mga tauhan ng Bauko MPS, Bureau of Fire and Protection, Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office at Tourism Office-Bauko, kabilang ang ilang residente para magsagawa ng search and rescue operation.

Naiahon ng mga rescuer ang labi ng dalawang biktima kinabukasan, 7:28 ng umaga ng Disyembre 22.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">