Advertisers

Advertisers

Mavs pinagulong ang Timberwolves

0 175

Advertisers

KUMAMADA si Luka Doncic ng 25 points, 10 assists at 9 rebounds upang pamunuan ang opensiba ng Dallas Mavericks sa 104-99 pagdurog sa Minnesota Timberwolves.

Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 21 points habang may 19 at 12 mar­kers sina Spencer Dinwiddie at Christian Wood, ayon sa pagkakasunod, para sa pagbangon ng Mavericks (16-16) mula sa dalawang dikit na kabiguan.

Umiskor naman si Anthony Edwards ng 23 points kasunod ang 21 markers ni Austin Rivers para sa Timberwolves (16-16) na nakahugot kay Rudy Gobert ng 19 points at 15 rebounds.



Nagsalpak si Har­da­way ng dalawang 3-poin­ters para sa 15-4 atake ng Dallas sa gitna ng fourth period at nagtala si Reggie Bullock ng dalawang triples para iwanan ang Minnesota.

Sa New York, humataw si Kevin Durant ng 23 points sa 143-113 pagmasaker ng Brooklyn Nets (20-12) sa nagdedepensang Golden State Warriors (15-18).

Sa Oklahoma City, naglista si Shai Gilgeous-Alexander ng 27 points sa 101-98 pagtakas ng Thunder (14-18) sa Portland Trail Blazers (17-15).

Sa Houston, tumipa si Franz Wagner ng 25 points at nagdagdag si rookie Paolo Banchero ng 23 points at 13 rebounds sa 116-110 panalo ng Orlando Magic (12-21) sa Rockets (9-22).

Sa Philadelphia, humakot si center Joel Embiid ng 22 points at 10 rebounds para sa 113-93 pagdaig ng 76ers (18-12) sa Detroit Pistons (8-26).



Sa Cleveland, nagpaka­wala si Donovan Mitchell ng 36 points sa 114-106 paggiba ng Cavaliers (22-11) sa Milwaukee Bucks (22-9) na nakakuha kay Giannis Antetokounmpo ng season-high na 45 mar­kers.

Sa Sacramento, nagposte si forward Domantas Sabonis ng 13 points, 21 rebounds at 12 assists para akayin ang Kings (17-13) sa 134-120 dominasyon sa Los Angeles Lakers (13-18).