Advertisers
Tinatayang higit sa 5,000 benepisyaryo sa host communities nito sa kahabaan ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX), kabilang ang mga residente, estudyante, motorista, at maging ang mga alagang aso at pusa, ang natulungan ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) sa iba’t ibang community programs na isinagawa nito ngayong 2022.
Bilang resulta ng pagsisikap at mabubuting kalooban na ipinagkaloob ng mga volunteer employees mula sa toll road company, naging matagumpay ito sa paglunsad at pagsagawa sa pitong CSR activies at mga programa tulad ng relief operations at donations, ‘Drayberks’ road safety seminar, pagpakilala sa Bayani ng Kalsada “Bayani Ka” Activity Book at children’s road safety caravan, “Alagang MPT South” Medical Mission, Love Pets Save Lives program, at “Paskong Saya Handog ng MPT South” gift giving activity.
Community welfare programs
Patuloy ang MPT South sa paghahatid ng tulong sa mga komunidad nito lalo na sa mga nasalanta ng iba’t-ibang klase ng kalamidad. Ngayong taon, aabot sa 3,000 relief packs ang naipamahagi ng toll road company sa daan-daang pamilya sa Paranaque, Cavite, at Laguna, na naging biktima ng sunog at ng Bagyong Paeng na nag landfall sa probinsya ng Cavite. Umabot naman sa 932 residente, bata at matatanda, ng Barangay Aplaya, Kawit, Cavite; Barangay 183, Pasay City; and Barangay Tibig, Silang, Cavite ang nabigyan ng libreng mga vitamins at medical consultation sa serye ng “Alagang MPT South Medical Mission”.
Road safety seminars
Bukod sa paghahatid tulong sa iba’t ibang komunidad, nagpapatuloy rin ang toll road company sa pagsulong ng road safety at pagpapakilala ng mga safety features ng expressway. 474 na mga drayber ang sumailalim sa award-winning ‘Drayberks’ road safety seminar. Ibinida rin ng toll road company sa 160 kabataan ang kaalaman sa road safety sa pamamagitan ng paglunsad sa Bayani ng Kalsada o “Bayani Ka” activity book, isang interactive at comic inspired na libro na tiyak na kagigiliwan ng mga ito.
Brigada Eskwela 2022
Sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante makalipas ang dalawang taong lockdown, nakilahok ang MPT South sa Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) at tumulong sa paglinis, pagpintura, pag-ayos ng mga estante sa loob ng silid aralan ng anim na public schools sa Cavite at Laguna. Namahagi rin ito ng mga pintura at gamit pampintura, safety vests, sanitation tower, at iba pang mga suplay pang eskuwela sa Alapan II Elementary School, Loma Elementary School, Digman Elementary School, Molino Elementary School, Emiliano Tria Tirona Memorial National Integrated High School, at Binakayan Elementary School.
Animal welfare program
Isa rin sa mga milestone ng MPT South ang paglulunsad sa isang makabagong paraan para lutasin ang problema ng mga pagala-galang hayop sa expressway. Nitong taon, katuwang ng toll road company ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para sa programang tinawag na “Love Pets Save Lives” kung saan aabot sa 863 na alagang aso at pusa (aspin at puspin) ang naserbisyuhan ng libreng kapon. Nagsagawa rin ang PAWS ng libreng responsible pet ownership seminar sa mga indigent pet owners na naninirahan sa mga komunidad na malapit sa expressway.
“It is the first of its kind for an expressway developer to launch an animal welfare program,” ani Ms. Anna Cabrera, Executive Director of PAWS.
Christmas gift-giving
Ang pagdiriwang ng Pasko ay tungkol sa pagmamahal at aruga. Sa pamamagitan ng “Paskong Saya Handog ng MPT South”, nakapagbigay ngiti at ng pag-asa ang toll road company sa 300 disadvantaged children sa pamamagitan ng pamimigay dito ng munting regalo at ilang mga goodies sa ilang komunidad sa Silang, Cavite at Santa Rosa, Laguna.
“Ang pag lunsad ng iba’t ibang community programs para tumugon sa mga pangangailangan ay aming paraan upang maipakita ang aming pasasalamat, buong puso po namin at ng aming volunteer employees na iaalay ang aming oras at kalinga para sa aming mga komunidad at motorista at kasing halaga po nito na aming unti-unting naabot ang aming mga sustainability goals for progress, people and planet “ ani Ms. Arlette V. Capistrano, MPT South Spokesperson and Assistant Vice President for Communications and Stakeholders Management Division.
Ang MPTC ay ang pinakamalaking tollway builder at operator sa bansa. Bukod sa CAVITEX, CAVITEX C5 Link, at CALAX, hawak rin ng MPTC ang concession rights para sa North Luzon Expressway (NLEX), the Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), the NLEX Connector Road, at the Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) in Cebu.