Advertisers

Advertisers

Australian hacker, naharang sa NAIA

0 159

Advertisers

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang tangkang pagpasok sa bansa ng isa umanong Australian hacker.

Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, sinabi ng border control and enforcement unit (BCIU) ng BI na si Risteski Borche, 40, naharang sa Ninoy Aquino International Airport ilang sandali matapos bumaba mula sa Cebu Pacific flight mula Sydney noong Disyembre 21.
Isang Australian si Borche na may lahing Macedonian, at napapailalim sa isang Interpol Red Notice.

Batay sa ulat ng BI, pinaghahanap si Borche sa Macedonia dahil sa hindi awtorisadong pagpasok sa computer system nito na lumalabag sa Criminal Code ng naturang bansa.



Nahaharap si Borche sa apat na taong pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala sa krimen.

Sinabi ni Tansingco na ipapatapon si Borche pabalik sa Australia at hindi na makabalik.