Advertisers
ILOILO CITY – Patuloy pa na pinaghahanap ng mga otoridad ang isang empleyado ng bise alkalde na walang habas na namaril sa isang KTV bar sa Barangay Cagamutan Sur, Leganes, Iloilo.
Kinilala ang salarin na si Carlos Hechanova, 47, residente ng Barangay Pajo, Zarraga, Iloilo at emple-yado ni Zarraga Vice Ma-yor Remia Sularan.
Patay sa insidente si Cyril Dela Torre, 52, ng Barangay Pagdugue, Dumangas, Iloilo, na nagtamo ng sugat sa mukha. Sugatan naman ang pamangkin nito na si Noel Dela Torre, 32, na nagtamo ng sugat sa paa; at nasugatan rin sa kamay at paa ang cashier ng KTV bar na si Ezrah Prudente, 22, ng Barangay Tabucan, Dumangas.
Ayon kay Lieutenant John Robles, Officer-in-charge ng Leganes Municipal Police Station, nagkagirian ang salarin at ang tiyuhin ni Cyril na si Ralph Dela Torre.
Kaagad namang bumunot ng armas si Hechanova at pinagbabaril ang mga biktima.
Nahaharap si Hechanova sa mga kasong homicide at 2 counts frustrated homicide.