Advertisers

Advertisers

Jasmine So may hugot sa wrong feminism

0 205

Advertisers

ANG sexy actress sa mga pelikula ng Vivamax na si Jasmine So ay may hugot hinggil sa feminism. Sa isang photo shoot ay makikitang hubo’t hubad ang aktres at tanging crystals lang ang tumatakip sa kanyang maseselang bahagi ng pagkababae.
Bakit pumasok sa isip niya ang ganitong concept?
Esplika ni Janine, “The wrong feminism will affect the world in the future, actually it’s affecting now. Kasi ‘yung generation ngayon is being influenced by social media about feminism, but feminism now is at wrong level na, I want them to see how sinful they are, kasi ‘di nila nakikita sarili nila at iniisip nilang tama sila.”
Ano ang masasabi niyang example ng wrong feminism? “Ngayon kasi, dahil sa nakikita nila sa social media lalo na sa Tiktok na ipinapakita ng ibang kababaihan sa ibang bansa, nagbago ang mga teen at late 20’s, hindi na sila traditional women. Para sa kanila traditional women ay pagiging alipin sa lalaki at gusto nila mas nakahihigit sila sa mga lalaki, pero sa maling way.
“Bihira ka na makakita ng younger generation na marunong magluto. Ayaw nilang pagsilbihan mapapangasawa nila, gusto nila pareho sila ng level sa lalaki. Pero ‘di nila naiisip ang masamang epekto nito sa magiging anak nila. Walang proper guidance ang mga bata kasi pera palagi nasa isip nila. May mga babae na gusto ng equality pero never naman naging equality ang pagsasama. Lalaki gumagastos sa lahat, samantalang iyong kinikita ng babae kanya lang, hindi equality iyon.”
Ano ang mensahe niya sa naturang larawan?
Paliwanag ni Jasmine, “Ang mensahe ko, sana makita ng mga kababaihan kung ano ang mali, bakit hindi nagtatagal relasyon nila at bakit hirap silang makahanap ng lalaki na mapapangasawa nila. Kailangan nilang matutunan na maging patas sa kalalakihan, hindi puro pangsarili lang.
“Hubad ako sa larawan na iyan, ipinapakita ko na ang kababaihan ngayon na gustong maging reyna ay makapangyarihan, yumaman, at the same time sa pagiging sobrang liberated at freedom na gusto nila, na ‘di nila na-realize wala na silang privacy tulad ng isang babaeng hubad na naipakita na niya ang lahat.”
Aniya pa, “Ako lang ang hubad (sa grupo), represents ng isang babae na mataas ang ambisyon sa maling paraan. Paggamit sa kalalakihan para mabilis na umangat sa buhay. Ako yung babae na nasa punto na halos wala na akong kahihiyan. Ang ibang mga babae (sa larawan) ay mga nainpluwensiyahan ko at susunod sa yapak ko. Independent siya pero lahat iyon bigay lang ng sugar daddy niya… Kaya may apple sa photo, kasi si Eve hindi ba na-deceived niya si Adan? So, shortcut way para umangat sa buhay, tapos gusto niya na mas nakakahigit siya sa lalaki sa pamamagitan ng paggamit ng katawan at ganda, minamanipula niya ang mga lalaki para siya ang reyna.”
Advocacy ba niyang ‘gisingin’ ang mga makabagong Eva, sa makabagong mundo? “Yes, gusto kong magising sila sa katotohanan na ang mga nakikita nila sa social media ay nakakasama ang iba, and dahil ang ibang tao kasi napapaniwala ng mga nakikita nila sa social media.”
Si Jasmine ay mapapanood sa Vivamax sa mga pelikulang Boso Dos direkted by Jhon Red, Erotica Cine-Parausan ni Direk Law Fajardo, at Suki, directed by Mariano Langitan Jr.