Advertisers
INAANYAYAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko na bisitahin ang taunang “Paskuhan sa Mehan Garden” malapit sa Manila City Hall.
Ang nasabing Christmas activity na nagsimula noong December 15 ay siguradong kagigiliwan ng mga bisita dahil sa daily lights and sounds shows at bazaar mula sa mga piling exhibitors na nagtitinda ng mga iba’t-ibang uri ng regalo at mga pagkain.
“Tara na’t magfood trip at makipagkantahan kasama ang pamilya, katrabaho, kaibigan, o ka-ibigan. Huwag palalampasin ang iba’t ibang mga lokal na putahe at mga bilihin,” sabi ni Lacuna.
Pinuri ng lady mayor sina permits bureau chief Levi Facundo at tourism department chief Charlie Dungo sa kanilang proyekto na layuning makatulong sa mga maliliit na negosyante at makalikha ng trabaho eksakto sa Kapaskuhan.
Binigyang diin din ni Lacuna na ang nasabing lugar ng Christmas actitivity ay isang open air na pasyalan at dahil dito ay malayo ang tsansang mahawa ng COVID, ito ay bukod pa sa libre ang admission dito.
Samantala ay inulat ni Facundo kay Lacuna na hit ang food festival sa mga grupo at mga pamilya na dumadalaw sa Mehan araw-araw upang mag-enjoy sa ambience at mga live performances na makikita rin sa ‘Paskuhan sa Mehan Garden’ at maging ito ay libre.
Ang ‘Paskuhan sa Mehan Garden’ ay bukas araw-araw mula 4 p.m. hanggang 11 p.m. hanggang January 1, 2023, ayon pa Facundo.
“We have street foods, grilling stations, ice cream novelty or gift items, memorabilias, photo booths, arcade and toys, among others,” dagdag pa nito.
Nabatid mula kay Facundo na mayroong 70 stalls na nag-o-operate sa nasabing venue at ang mga may-ari nito ay sa hawkers lamang nagbabayad ng halagang P40 kada araw. (ANDI GARCIA)