Advertisers

Advertisers

Sam atat na mag-asawa pero dyowang si Catriona ‘di pa ready

0 168

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NATANONG ng netizens sa hunk actor na si Sam Milby kung engaged na ba sila ng beauty queen-TV host na si Catriona Gray.
Laging pansin sa post sa socmed ang larawan na sweet sina Sam at Catriona.
Kaya sabi ni Sam sa tanong ng netizens na kung engaged na ang celebrity couple.
Ayon nga kay Sam, ‘di na raw siya getting younger.
At next year nga raw ay 38 years old na ito kaya gusto na nito magkaroon ng asawa at anak.
Hindi naman nilinaw ng aktor kung engaged na sila ng beauty queen.
Saka bata pa nga raw si Catriona para sa paglagay sa tahimik o pagbuo ng sariling pamilya.
Hirap daw sagutin ‘yun ganung kailangan ay gf nito ang tanungin at si Catriona ang dapat sumagot.
Kahit noong 2020 ay umamin na sina Catriona at Sam sa estado ng kanilang relasyon.
Huwag nga raw mainip ang mga netizen at darating din sila sa next level ng kanilang buhay.
***
Vice Ganda, nanguna sa takilya, Nadine Lustre pumangalawa; love team nina Liza at Noel, Top 3
SA inilabas na unofficial result para sa first day top gross na kinita ng mga pelikula na entry sa MMFF 2022 ay nanatili sa pangunguna ang Partners in Crime nina Vice at Ivana Alawi na kumita ng 31M.
Pumangalawa naman ang Deleter ni Nadine Lustre na maraming nakapuna na humusay at na-improved lalo ang acting ni Nadine sa nasabing horror film na kumita ng 10M.
Dahil sa husay nito na ipinakita sa Deleter ay nanalo ito sa pagka-Best Actress na mahigpit nitong kalaban si Heaven Peralejo para sa movie na Nanahimik ang Gabi.
Hindi rin nagpahuli ang Family Matters na pinagbidahan ng mga beteranong sina Liza Lorena at Noel Trinidad.
Maraming kinilig sa love team na ito nina Liza at Noel na pumangatlo sa first day na kumita ng 9M.
Kapansin-pansin na sumisigla na ang takbo ng showbiz industry sa nakitang unofficial na kinita ng top 3 sa MMFF.
Well, well, well…’Yun na!