Advertisers

Advertisers

BAGONG BOC COMMISSIONER IA-APPOINT NA RAW?

0 265

Advertisers

HINDI tumitigil ang pag-ikot ng mga balita na hindi na mapipigilan ang pagdadala ng sulat sa Bureau of Customs (BoC) na sasakamay na umano sa darating na mga linggo ng bagong commissioner ng kawanihan.

Ang pagsibak kay Commissioner Yogi Filemon Ruiz ay ilang buwan nang nagpapaligalig sa mismong komisyoner at sa mga dikit na opisyal at mga tauhan nito.

Ngunit hanggang sinusulat ito, sinasabi ng mga opisyal sa Office of the Commissioner (OCOM), “lumang balita na ‘yan… hindi papalitan si Commissioner Ruiz…”



“Kung nai-extend ang pananatili ni Commissioner, ito ay dahil sa ilang consideration na nagawa nito. Pero now na kailangan na ang bagong liderato, not even some Malacanang people na kakampi ni Ruiz ang makapipigil sa pag-aappoint ng kapalit niya,” sabi ng isang insider sa BoC.

Pinatotohanan ito ng isang opisyal ng Department of Finance (DoF) na nagsabing kahit si Finance Sec. Benjamin ‘Ben’ Diokno ay “walang magagawa… nakahanda nang palitan si Commissioner…”

Totoo naman ba ito Idol Mam Cynthia?

Sinabi sa inyong lingkod na isang matalik na kaibigan umano ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at kasalukyang batambatang opisyal ng BoC ang pinagpipilian na kapalit ni Ruiz.

“Pero ilang congressman na malapit kay Speaker Martin Romualdez ang nagsabi at naririnig rin natin na ang magiging kapalit ni Commissioner ay manggagaling umano sa loob ng BoC.”



Isa namang opisyal ng OCOM ang nagsabi na “ginagawa ni Ruiz ang lahat … like moving heaven and earth para manatili siya sa kayang puwesto.

Muli rin daw na “nangako si Ruiz” na gagawin ang lahat upang lalo pang makontrol ang graft and corruption sa Aduana at sugpuin ang ismagling.

Ang kontrang pahayag ng mga kritiko ni Ruiz, “paanong makokontrol niya ang corruption marami pa ring ang hindi niya masibak na mga sinasabing corrupter at corruptor sa Customs.”

Pero hanggang ngayon ay tikom pa rin po dear readers ang bibig ni PBBM sa tsismis na palitan issue sa Customs.

Isang malaking dahilan kaya tahimik at di nagsasalita si PBBM tungkol sa balitang papalitan si Ruiz ay dahil sa par excellence naman ang performance ni Comm. Yogi kaya may hinuha na mananatili sa pwesto niya si Commissioner bukod umano sa payo ni Sec. Diokno na wala munang palitan at matinding gagalawin sa Customs.

Ayon naman sa ilang OCOM insider, yung mga kritiko ni Ruiz na patuloy na nagkakalat ng tsismis na papalitan na siya at nagsasabing wala raw itong political will na linisin ang BoC partikular ang mga smuggler at mga kasabwat na opisyal sa Aduana ay isa lang raw na demolition job.

Sa tanong na kung sino talaga ang ipapalit kay Ruiz, sinabi ng isang taga-Malakanyang: “Basta malapit daw na kaibigan ni PBBM… dalawa sila na pinagpipilian, isang insider at isang outsider… pero anytime soon di umano … idedeklara na ang bagong kapalit ni Ruiz.

Totoo ba ito, abangan!
***
Kilala ko na kayo kung sino-sino kayo.

Ngunit hindi ko gagamitin ang espayo na ito upang kayo ay pangalanan at ilagay kayo sa kahihiyan at panlilibak ng mga taong alam ang inyong mga ilegal na Gawain.

Ang nais ko lamang, at iang matinding pakiusap, maging fair naman po tayo.

Alam ninyo ang kasama sa aking trabaho ang gumawa ng mga expose at maglantad ng kung anoman ang dapat na maisulat, na ang pangingibabaw ay ang kapakanan ng bayan at ng public interest.

Pabayaan natin na gawin ang mga trabaho natin – nang walang pagbabanta o ng anomang foul play.

Pareho-pareho tayong mga professional at iyan ang paniniwala ko.

Magpagalingan na lamang tayo sa pagsusulat at sa pagtupad sa ating tungkulin.

Be competitive, not combative.

Sa tunay na pagtutunggali ng kaisipan at talino, lalo nating makikita ang totoo at ang kasinungalingan.

Yan ang dikta ng ating profession at kung tunay na tayong lahat ay propesyonal, iiwasan natin ang pananakot, pagbabanta at paninira.

Isyu at hindi personalidad ang dapat na maging basehan ng panulat.

Maraming salamat sa inyong pagpuna sa akin, at asahan ninyo, ang lahat na mabubuti ay aking kukuhanin at ang masasama, ibabaon sa limot.

Isang Maganda, Maayos, Maningning at Makabuluhang Bagong Taon Sa Ating Lahat!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang a bampurisima@yahoo.com.