Advertisers
POSIBLENG sa mga darating na panahon ay giginhawa na ang mga commuters sa kanilang paglalakbay dahil tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) ang patuloy na pagpapabuti ng mga operasyon ng EDSA Busway upang mas mapagsilbihan nang maayos ang riding public sa kamaynilaan.
Ayon sa naging pahayag ni DOTr Secretary Jaime ‘Jimmy’ Bautista mula sa mga miyembro ng Airport Press Club (APC) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pagpapabuti sa operasyon ng mga pinaka-abalang daanan sa Metro Manila ay dapat naaayon sa international standard.
“The DOTr will continue to improve the services and infrastructure of the EDSA Busway. The EDSA Busway must conform to international standards. There’s a lot to do here,” ani Bautista
Nabatid sa ulat na ang Tramo Station ay ang ikaapat na EDSA Busway station na binuksan mula noong Hulyo 1, 2022.
Tinukoy din ng Kalihim ang pagdami ng mga pasaherong tumatangkilik sa EDSA Busway ay isang senyales sa mga dahilang pagpapabuti ng kahusayan nito.
“Habang mas maraming pasahero ang binibigyan ng busway system, kailangan nating pagbutihin ang kahusayan nito,” aniya.
Kaugnay nito, magkatuwang sa proyektong ito ang DOTr, Metro Manila Development Authority (MMDA), at Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan ang EDSA Busway ay nagtatampok ng paggamit ng isang nakatalagang ‘median lane’ para sa mga bus na may mga istasyong itinayo sa median island, at nagbibigay-daan para sa higit pang mahusay na paglalakbay sa pamamagitan ng pag-iwas sa salungatan na nag-uugnay na kalye, driveway, commercial center, at mga drop-off point na nasa gilid ng bangketa.
Ang sistema ng busway ay may 17 median na istasyon, apat na pansamantalang curbside station, at isang Integrated Terminal Exchange (ITX).
Noong Disyembre 2022, ang EDSA Busway Project ay nagsisilbi sa average na 389,579 na mga pasahero araw-araw na sumasakay sa kahabaan ng nasabing lugar. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)