Advertisers
ISANG lalaki ang natagpuang magkakahiwalay ang mga parte ng katawan sa isang dam sa bayan ng Matanao, Davao del Sur nitong Miyerkoles.
Kinilala ang biktima na si Bonifacio Ontoy, 52 anyos, magsasaka, taga-Barangay Towak sa nasabing bayan.
Natagpuan ang bangkay ni Ontoy sa Algon Dam sa katabing barangay ng Saub 9:30 ng umaga.
Huling nakitang buhay ang biktima Martes ng gabi. Bumili pa raw ito sa isang tindahan.
Dagdag pa ng pulisya, nakainom si Ontoy nang tahimik itong umalis ng tindahan at iniwan ang motorsiklo nito.
Hindi pa matukoy ng Matanao Police ang motibo sa sinapit ni Ontoy at kung sino ang responsable.