Advertisers
DINUMOG ng netizens ang Facebook page ng inireklamong bar ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia matapos ang umano’y pambubugbog sa isang international English Chef at restaurateur.
Ibinahagi ni Gov. Garcia ang insidente ng pambubugbog sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Disyembre 28.
Ayon kay Garcia, pinagtulungan ng isang grupo ng mga lalaki ang biktimang si Jason Atherton matapos nitong ipagtanggol ang anak na babae dahil hina-harass ito habang nakapila sa restroom ng F Cafe and Bar.
Nais lamang raw ni Jason na humingi ng pasensya ang mga lalaking nangha-harass sa anak, ngunit sa kasamaang palad ay pinagtulungan siya ng mga ito maging ng mga bouncer at babaeng manager ng naturang restaurant.
Dahil sa insidente, dinumog ng netizens ang Facebook page ng F Cafe and Bar. Inulan ito ng mga brutal na komento at atake.