Advertisers
MAGANDA ang hangad ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) na makapag-provide ng libreng internet services sa malalayong lugar.
Mapabubuti ng free internet ang kalagayan ng pag-aaral ng mga estudyante at maging ng mga guro nasa tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).
Noong bisperas ng Pasko, inilunsad ni PBBM ang virtual rollout ng “BroadBand ng Masa Program” (BBMP) na magbibigay ng free internet service sa mga estudyante at mga guro sa buong bansa.
“’Yung mga malalayo, ‘yan ang mas kailangan. Lalo na ‘yung mga bata, para sa kanilang eskwela. Buti na lang, maraming bagong teknolohiya na pwedeng gamitin, we’re taking full advantage of,” ang sabi pa ni PBBM.
Dagdag pa niya, kanyang ipasasagawa ang libreng internet sa lahat ng mga remote islands, lalo na ang mga walang access sa mobile cellular services.
Sa kanya ngang surprise appearance sa “Online Kamustahan” na inorganized ng Department of Information and Communications Technology (DICT), sinabi ni PBBM na sa paggamit o pagkakaroon ng libreng internet at digital technologies, mapapabuti ang ‘interconnectivity at government services.”
May mga nakausap pa nga siyang mga estudyante sa “Kamustahan” na iyon, na nakatira pa sa Pag-asa Island sa may West Philippine Sea. At natuwa ang mga ito.
Ang iba naman pang mg estudyante ay mula pa sa Armenia Elementary School ng Uson, Masbate; Bandera Elementary School sa Island Garden City ng Samal sa Davao del Norte; Amai Pakpak Central Elementary School ng Marawi City, Lanao del Sur; Dioryong Integrated School ng Nagtipunan, Quirino province; Villa Espina Elementary School ng Lopez, Quezon; at Landang Laum Elementary School sa Zamboanga City.
Kapag nagkataon at mapatupad ni PBBM ang kanyang magandang hangarin sa pagbibigay ng libreng internet access, magkakaroon “direct connection” sa pagitan ng mga GIDA at ang pamahalaan.
Isa nga sa tagumpay na ng Administrasyon PBBM ay ng Free Wi-Fi for All Program, ng Department of Information Communication Technology o DICT.
Sa ilalim ng programang ito, 628 operational free Wi-Fi sites na ang nailatag pa, bukod sa 4,129 sites na nagagamit na.
Tinatayang 2.1 million ‘unique users’ na, at katumbas isanng-daan libong pamilya ang nakikinabang dito. Hindi ba magandang hangarin nga Yan ni PBBM?