Advertisers

Advertisers

Online seller binugbog, hinalay ng ex-bf

0 155

Advertisers

SA kulungan na sasalubungin ng isang lalaki ang Bagong Taon matapos nitong bugbugin at halayin ang dating kasintahan sa Quezon City.

Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng leche flan na tinitinda ng dating nobya ang lalaki na gumawa ng dummy account sa social media.

Nang magkita sila para ibigay ang order, cellphone ng dating kasintahan ang agad na kinuha ng lalaki imbes na ang order na leche flan.



“Siguro ang intensiyon niya ay para hindi makahingi ng tulong [‘yung biktima],” ani Police Captain Glenn Gonzales ng Galas Police Station.

Hinikayat din niya ang ex-girlfriend na sumama sa kaniyang bahay para magka-usap sila. Nang mabasa ang mga text message sa cellphone ng biktima na may manliligaw ito, doon na ito sinaktan ng lalaki.

Nakatakas ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga opisiyal ng Barangay Tatalon nang makatulog ang lalaki.

Nagtamo ang biktima ng mga pasa sa kamay at braso.

Mahaharap ang lalaki sa kasong rape at physical abuse.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">