Advertisers
INARESTO ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang pekeng detentista sa entrapment operation sa Alaminos, Laguna.
Kinilala ang dinakip na si Roddlo Donato, 65 anyos, ng Barangay San Agustin, Alamimos.
Ayon kay Brigadier General Ronald Lee, direktor ng CIDG, 2:00 ng hapon nang isinagawa ang entrapment operation ng mga elemento ng CIDG Laguna Provincial Field Unit sa Villa Adelina Subd., Brgy. San Agustin.
Isinagawa ng pulisya ang operasyon matapos makatanggap ng mga reklamo sa pagsasagawa ng dentistry ng walang kaukulang lisensiya at certificate of registration.
Inaresto si Donato sa aktong nagsasagawa ng dental technology.
Nahaharap si Donato sa paglabag sa Republic Act 9484, An Act to Regulate the Practice of Dentistry, Dental Hygiene and Dental Technology in the Philippines. (Mark Obleada)