Advertisers

Advertisers

Anne ‘di aprub sa relasyon ng ermat sa mas batang syota; Heart suot na ulit ang wedding ring nila ni Chiz

0 169

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING napareak sa latest pics ni Heart Evangelista sa kanyang socmed account.
Ibinahagi ni Heart ang isang larawan na magkasama sila ni Sen. Chiz Escudero para sa pagsalubong sa bagong taon kasama ang kambal ng Senador.
May isang larawan na napansin ng isang netizen na tila di masaya si Heart na kita at bakas sa kanyang face sa larawang ibinahagi sa socmed.
Pero sa ilang netizens na nakapansin sa larawan nina Heart at Chiz na tila nakasimangot ang aktres.
Sinangga siya ng kanyang fans sa pagkakapansin na nakasimangot daw si Heart.
Pero ayon sa netizen ay baka masama lang ang pakiramdam ni Heart kaya mukhang di siya masaya sa larawan sa kabila na sasalubong sila ni Chiz sa pagpapalit ng taon.
Napansin din ng netizen ang mga daliri ni Heart at nakita nilang ibinalik at suot na muli ni Heart ang kanilang wedding ring ni Chiz.
***
ISANG taon na rin ang relasyon ng Ina ng mga aktres na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis Smith na si Carmen Ojales sa 40 years old na si Jayde.
Sa kabila na malaki ang agwat ng relasyon ng dalawa, ang ina nina Anne at Jasmine ay nasa 60 na at si Jayde ay nasa 40 pa lang.
Nakabase naman ang ina nina Anne at Jasmine sa Australia at ang bf naman nito ay sa Dubai.
Inaminng Ina ng mga aktres na LDR ang kanilang relasyon at nagsimula ito sa socmed.
Kahit binabatikos ng netizens ang kanilang relasyon dahil sa mas matanda ang ina ng mga aktres kaysa sa bf nito ay keber lang ito.
Nagpakita naman ng suporta sina Jasmine kasama ang bf na si Jeff Ortega at isa pang anak na lalaki na si Thom dahil kita sa larawan na magkakasama sila sa isang pic kasama ang dyowa ng ina ni Anne.
Sa tagal ng kanilang relasyon ay nagkaroon na rin ng katuparan ng lumipad pa-Australia si Jayde para makapiling ang ina ng mga aktres.
Ipinasyal naman ni Carmen si Jayde sa Australia.
Napansin ng netizens na tila wala sa larawan si Anne kaya napatanong ang mga ito kung suportado ba nito ang lovelife ng ina.
Wala naman paki sina Carmen at Jayde at ang mahalaga sa kanila ay nagmamahalan sila nang wagas at walang pag-iimbot.
Well, well, well…Yun na!