Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
INILABAS na ng prestihiyosong TC Candler ang kanilang year end report tungkol sa most handsome faces of 2022 na nominado sina Alden Richards, Enrique Gil at Donny Pangilinan.
Gayunpaman, walang Pinoy na pumasok sa top 100 sa listahang inilabas ng critic website kamakailan.
Sa yearender report nila, nasa number 87 sa list ang world famous football player na si David Beckham samantalang ang Italian model at dating Bench model na si Pietro Boselli ay nag-land sa number 80 slot.
Ang Hollywood actor na nakilala sa kanyang pagganap bilang Spiderman na si Tom Holland ay na-secure ang ika-49 na puwesto samantalang ang American actor na si Chris Pine ng Star Trek reboot ay nakuha ang 45th spot.
Number 40 ang Canadian singer na si Shawn Mendes samantalang ang Thai actor na si Bright Vicharawit ng BL series na 2gether ay nakopo ang ika-29 na puwesto.
Nagpakita muli ng lakas at karisma ang English singer-songwriter na si Harry Styles nang makuha niya ang ika-26 na spot samantalang ang English actor na si Idris Elba ay nag-land sa ika 20 na puwesto.
Number 17 naman ang English pop and RnB singer na si Zayn Malik samantalang si Aquaman aka Jason Momoa ay nakuha ang ika-12 na spot.
Ang Korean pop superstar na si Jung Kook ay wagi sa ikalabing-isang puwesto.
Consistent naman sa honor roll ang sexy Hollywood actor na si Chris Hemsworth na kilala bilang Thor sa Marvel Universe na nakamit ang ikaapat na puwesto.
Ang Hollywood actor na si Timothee Chalamet ng “Call Me By Your Name” fame ang itinanghal na ikatlo sa most handsome faces of 2022.
Nasa ikalawang puwesto naman ang South Korean boy group member na si HyunJin samantalang tinanghal na most handsome face of 2022 ang British hunk actor na si Henry Cavill na nakilala sa pelikulang Superman at Netflix series na The Witcher.